Compulsion

7.4K 514 75
                                    

Chapter Six

NAALIMPUNGATAN si Andeng na nanginginig at inaapoy ng lagnat. Masakit ang kanyang balakang at makirot ang pagitan ng kanyang mga hita. Napadaing siya at gustong maiyak sa sitwasyon. Bago natulog ay pinilit niyang pumasok ng banyo at maglinis ng katawan. Kahit pa nga bawat hakbang niya ay daig pa ang bagong tuli na nakabuka ang dalawang hita habang naglalakad.

Nang may lumapat na kung ano sa kanyang noo ay nagulat siya. At mula sa may ulunan ay nakita niya ang isang nakatayong bulto ng lalaki.

"A-ano'ng ginagawa mo rito sa kuwarto ko?" kahit halos nangangatal na ang baba ay nagawa pa niyang itanong. Tantiya niya ay dalawa o tatlong oras pa lamang ang nakalilipas mula nang siya'y makatulog.

"You have a fever," sagot ng lalaking may dambuhalang ampalaya, este, si Callous pala. "I got you some meds, drink this."

May dalawang tableta itong iniabot sa kanya at isang basong tubig. Pero bigla siyang nag-atubiling tanggapin iyon. Dapat ba siyang magtiwala rito?

"I'm not gonna poison you."

Pagkatapos niyang ibigay rito ang lahat ay saka pa siya tinubuan ng takot.

"Hindi mo ba muna ako tatanungin kung wala akong allergy sa gamot?"

"Um, meron ba?"

"Wala."

Sa kabila ng sitwasyon ay nakuha pang maaliw ni Andeng nang makitang nagbungguan ang magkabilang kilay ng kausap. Pagkuwa'y inalalayan siya nitong makainom ng gamot. Pagkatapos ay nilagyan nito ng cold compress ang kanyang noo.

Akala niya ay aalis na ito nang maglakad papunta sa may gilid ng bukas na bintana kung saan pumapasok ang lamig ng hangin. Pero isinara lang nito iyon atsaka walang ingay na binitbit sa isang kamay ang upuang naroroon at ipinuwesto sa may tabi ng kanyang kama.

"H-hindi ka pa ba uuwi?" nauutal na tanong niya.

Umiling lang ito. "Sleep now."

"Ayos na ako. Puwede mo na akong iwan."

"What if you need to pee?"

"A-ayos lang, keribels ko na 'yon."

"I don't think so."

"Huwag kang makulit. Baka may makakita sa'yo rito, delikado ka."

"What do you mean?"

Naitirik ni Andeng ang mga mata. Bagay na gusto niyang pagsisihan dahil nahilo yata siya. Ang arte kasi, may patirik-tirik pa siya ng mata. Puwede namang mag-explain na lang.

"Nasa probinsya po kasi tayo, gets mo? At kumpara sa Maynila, sinauna ang isip ng mga tao rito. Kapag may nakakita sa'yo rito sa kuwarto ko ay baka bigla kang mapikot nang wala sa oras."

"You mean, a shotgun wedding?"

"Oo, ganern. Kaya tsupi, bumalik ka na sa bahay mo."

"I'm okay."

"Anong okay? Ayos lang sa'yong mapikot?"

"No. I know how to make myself scarce."

"Psh." Bakit parang disappointed siya sa naging sagot nito? Hindi ba talaga siya kaibig-ibig sa paningin ng isang Adan?

Nakasimangot na bumiling siya ng higa patalikod dito. Ngunit agad siyang napahigop ng hangin nang sumigid na naman ang sakit sa pagitan ng mga hita niya paakyat sa kanyang balakang.

"Juskue po. Ayaw ko na ng ampalaya, lengua na lang, promise."

Narinig niya ang malakas na pagbuga ng hangin ng kasama niya sa kuwarto. "Don't try to move yet."

The Untouchables Series Book 3 Callous DuboisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon