Date

5.8K 387 49
                                    

Chapter Thirty

"LET'S go out on a date."

Pagmulat ng mga mata ay ang alaala ng sinabi ni Callous ang unang pumasok sa isipan ni Andeng. Nilingon niya ang katabi na mahimbing pa ring natutulog habang mahigpit na nakapulupot ang braso sa bewang niya. Napagod ito tiyak sa walang kapagurang pagbayo.

Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng naganap sa kanila ay makatatatlong rounds pa sila hanggang umaga. Nagsimula sa foreplay sa dining, itinuloy sa banyo at nagtapos sa kuwarto. Mabuti na lang talaga at malakas ang ulan. Hindi pa naman soundproofed ang kanilang bahay. Paano niyang nasabi? Dinig na dinig niya kasi sa kuwarto ang tsismisan ng mga tenant kapag nagkakasama-sama ang mga ito. Katulad ng umagang iyon. Nangingibabaw ang boses ni Daday.

"Uso na naman yata ang kangkangan ng mga pusa," tila yamot na reklamo nito.

"Paano mo naman nasabi? Atsaka pati ba naman mga pusa pinagdidiskitahan mo ang kangkangan?" sagot dito ni Alice na natatawa. Isa itong dalagang-ina at mananahi sa isang garment na malapit sa kanila. Wala sigurong tahi kaya kataltalan na naman ni Daday.

"Papaano kung kailan kasarapan na ng tulog ko ay saka naman tumiyempo ng lampungan."

"Sa lakas ng ulan kagabi narinig mo pa 'yon? Iba ka talaga," komento ni Cedes, plantsadora at labandera ito. May dalawang anak na babae at lalaki na parehong nasa elementarya. Ang asawa ay lingguhan ang uwi katulad ng asawa ni Daday na parehong construction worker.

"Hindi lang kasi lampungan ng mga pusa ang narinig ko. Lampas hatinggabi na ay may naririnig pa akong nagpupukpok ng kung ano. 'Yon bang parang may ipinapako sa dingding?"

Natigilan si Andeng saka natutop ang bibig. Siya ba ang tinutukoy ni Daday? Oo nga, siya yata 'yong tinutukoy nitong ipinapako sa dingding. Ipinapako ng matigas na ampalaya!

"At sabay na sabay pa, ha? Parang may nagde-demolition ng pader tapos sinusundan ng halinghing na akala mo'y hinihika."

Juskue! napatakip si Andeng sa magkabilang pisngi. Ako rin ba 'yon?

"Baka si Samin 'yon. Kumekerengkeng na rin," natatawang sabi ni Alice.

"Babae ba si Samin?" tanong naman ni Daday.

"Lalaki man o babae ay parehong maingay kapag panahon ng kanilang lampungan," ani Cedes.

"Bakit nga kaya ang iingay maglampungan ng mga pusa, ano? Para pa namang mga kinakatay kapag nagtatawag ng kalampungan," dagdag pa ni Alice.

"Are they talking about us?"

Napapitlag si Andeng nang humaplos ang mainit na hininga ni Callous sa kanyang tenga. Pulang-pula  na ang mukha niya sa hindi mapakawalang tawa at sa hiya na rin. Dahil kung may ideya ang mga ito sa pinaggagawa niya nang nagdaang gabi ay tiyak na masa-shock ang mga ito. Panibagong eskandalo na naman ang gugulantang tiyak sa mga kapitbahay niya. At siyempre pa'y matutuwa ang mga Marites ng Purok 6 dahil may mapag-uusapan na naman ang mga ito.

"Huwag na kaya tayong lumabas?" pabulong na sabi niya kay Callous.

"Nahihiya ka?"

"Kapag may nakakita sa'yo tiyak na pagtsitsismisan nila ako."

"Let them talk."

"Sa'yo okay lang kasi lalaki ka. Pero sa akin, hindi. Magiging pulutan na naman ako ng tambay sa tindahan at mga parlor."

Ibinagsak ni Callous ang ulo sa unan saka marahas ng napabuga ng hininga.

"Are you ashamed of me?"

"Ano?" napabalikwas ng bangon si Andeng at hinarap ang tila nagtatampong binata. "Asus, naman. Sa guwapo mong 'yan? Ikaw pa talaga ang ikahihiya ko? Baka nga 'kamo ako ang ikahiya mo. Dahil sino lang ba ako?"

The Untouchables Series Book 3 Callous DuboisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon