Je t'aime

7.3K 462 50
                                    

Chapter Twenty-Eight

MAGA na yata ang mga labi ni Andeng sa pakiramdam ng dalaga nang tantanan ni Callous ang paghalik sa kanya. Pati dila niya ay walang kawala sa mapag-angkin nitong halik. At kung bakit naman parang mas lalo siyang naaadik sa paraan ng paghalik nito. It made her feel so wanted, needed, and desired. 

Matapos papakin ang kanyang mga labi ay muli siya nitong pinatakan ng halik sa sentido.

"Finish your food."

Tila masunuring bata na sumunod si Andeng. Tumayo naman si Callous at parang inspector na inilibot ang tingin sa kabahayan. Tiningnan nito ang mga lock ng kanyang pinto at bintana. Nag-aalala nga yata talaga ito nang husto sa kaligtasan niya roon. Awa naman ng Dios ay nakapamuhay siya roon nang maayos at tahimik kahit nasa loob noon ng kulungan ang pinsan niya. Nang panahon din kasing iyon ay isa-isa ng dinampot ang mga drug addict at pusher sa kanilang lugar kaya medyo tumahimik at pumayapa ang Purok 6. Kung may ilang naghahari-harian man noon ay hindi naman siya kinakanti.

Inubos niya ang isang buong pork bun pagkatapos ay dalawang siomai. Busog na busog na siya pero ayaw tumigil ng bibig niya sa pagkain. Tinikman niya ang beef teriyaki, isang slice ng pizza, at pusit. Napapadighay na siya sa kabusugan. Mayamay pa ay muli itong naupo sa binakanteng upuan at ipinagbalat siya ng sugpo.

"Isa lang, busog na busog na ako." Hindi na nga halos niya mapangalahati ang iced tea dahil ang bigat na ng kanyang tiyan.

Isinubo nito sa kanya ang binalatang sugpo. At sa kung anong kapilyahan ay ginaya niya ang ginawa nito sa kanya nang subuan niya ito ng French fries. She licked his forefinger when it passed between her lips. Baba-taas na gumulong ang Adam's apple nito at waring nag-ulap ang mga mata sa pagnanasa. She bit her lower after releasing his finger with a popping sound.

"Bakit walang lasa?" pilyang tanong niya.

Naumid yata ito at hindi kaagad nakasagot. "I've washed my hands."

Napahagikhik siya. Ang guwapo-guwapo talaga nito kahit madalas ay ang angas at suplado ng dating. Lalo na kapag tinatamad itong magsalita. At ang mga stubbles nito ay lalong nakadaragdag ng animalistic appeal. Kaya siguro nababaliw nang husto rito si Daisy. Parang ang sarap nitong tingnan. At totoo naman. Siya ang makapagpapatunay kung gaano ito kasarap. Masarap humalik, masarap dumila, masarap kumain. at sumisid ng perlas ng sisilangan. At higit sa lahat, masarap bumayo at magpatirik ng mga mata.

Napatutop siya sa magkabilang pisngi sa lahat ng kalaswaang naglalaro sa utak.

Ang halay-halay mo, Andalusia! tili niya sa sarili.

"Should I make a guess what's going on inside that pretty head of yours?" tanong nito sa mababa at may kalambingang boses. Bahagya itong yumuko at sinipat ang namumula niyang mukha habang nakapatong ang isang braso sa mesa.

"Tapos na akong kumain," sagot niya na dumistansya rito at tumayo mula sa kinauupuan. 

Para naman itong nagtaka sa ikinilos niya. "You haven't touch the cake and ice cream yet."

"Mamaya naman. Dessert. Magpapababa muna ako ng kinain. Um, hindi ka ba talaga kakain? Ililigpit ko na muna ang mga ito," tukoy niya sa mga pagkaing nasa mesa.

"I'm not hungry."

"Sige, ikaw ang bahala. Ilalagay ko sa ref at kapag nagutom ka ay iinitin ko na lang."

"Don't worry about me."

Nagligpit na siya. At tumulong naman ito. Kailangan niyang gumalaw dahil parang ang bigat ng katawan niya sa kabusugan. 

"I'll do the dishes," prisinta nito.

"Huwag na. Ikaw na nga ang nagdala ng pagkain ikaw pa ba pagliligpitin ko? Atsaka kailangan kong magpababa ng kinain."

The Untouchables Series Book 3 Callous DuboisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon