CalAn

4.7K 446 91
                                    

Chapter Thirty-One

THEY ordered brunch since the time is close to eleven o'clock AM. Alanganing agahan o tanghalian ang kanilang kain. At dahil gutom, tahimik na nagsimulang kumain si Callous. He could barely taste the food that he was putting into his mouth. Or maybe they're not as appetizing as they looked. But he's hungry. He might as well be eating a pile of garbage and he won't even notice. His jaws clenched. With every bite, every chew, his facial muscles ticked.

"Makunat pa ba?" tanong ni Andalusia.

Nang magtaas siya ng tingin ay napansin niyang matamang nakatutok ang mga mata nito sa kanyang mukha na parang inaaral ang ekspresyon niya.

"Yeah. The beef is little rubbery."

"Baka senior citizen na 'yong bakang niluto nila."

"Hah," he scoffs, amused.

Ngumiti naman ito.

"Pero masarap naman ang luto nila," dagdag pa ng kasintahan.

"I can do better," mayabang na sagot niya.

"Talaga?" tumaas ang dalawang kilay nito na parang hindi naniniwala.

"I'll cook for you one of these days."

"Aba, sige nga. Hihintayin ko talaga 'yan."

"Promise."

Nawala na sa isip niya na ipagluto ito noong nasa probinsya pa sila.  Pero ngayong magkakasama na sila ay titiyakin niyang maipagluluto niya ito anumang oras. He will pamper her from head to foot to make sure that even the tiniest bit of memory regarding that asshole will be completely forgotten.

It made his blood boil that when he personally served their food a while back he was all smiles at his girlfriend like he didn't do anything bad to her in the past. At ito namang girlfriend niya ay nagawa pang ibalik ang ngiti ng hijo de puta.

Alam na niya ang buong kuwento ng nangyari sa mga ito.  He offered their temp some extra cash to dig about Andalusia's past. Alam niyang ikagagalit nito iyon sa sandaling matuklasan nito ang kanyang ginawa. Pero iyon lang ang naisip niyang madaling paraan para  maunawaan ang takot at tila pag-aalinlangan nito na seryosohin ang kanilang relasyon. Takot itong magtiwala kung kaya't kaydali lamang para rito na sabihin sa kanyang anak lamang ang gusto sa klase ng relasyong inumpisahan nila. Sa isip nito ay natatak na ang kaisipang lolokohin lang ito at paglalaruan. And to protect herself from pain she had set her mind to reject any expectations of a happy ever after. 

Well, too bad, he thought. 

His heart already decided. And once he set his heart on something... or someone, it will be for a lifetime.

"Let's finish our food and leave this place," aniya sa kasintahan.

"Para naman kasi tayong nasa piyestahan. Ang dami nitong pagkain natin."

"I didn't order some of them." But I will pay for it, saisip-isip niya. Sosobrahan niya pa ang bayad at baka mag-expect ang Alejo na iyon ng kung anong kapalit, mahirap na. May mga taong kapag nagbigay ay laging umaasa ng kapalit. At madalas higit pa sa ibinigay ang inaasahan ng mga iyon. Fuck him. I will blow his head off if he tries anything funny with my girlfriend.

"Maalat ba 'yong chicken soup?" tanong ni Andalusia.

"I don't know."

She smiled. The kind of smile that always tug at his heart strings. 

"Paanong hindi mo alam? Wala ka bang panlasa?" ang nangingiting tanong nito.

"I have a very meticulous palate, ma puce. Just because I'm eating the food right in front of me, doesn't mean I'm liking it. I'm hungry, plain and simple."

The Untouchables Series Book 3 Callous DuboisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon