Family

6.3K 510 66
                                    

Chapter Sixteen

MATAMANG pinagmamasdan ni Andeng ang mukha ni Callous. Nakapikit ito pero alam niyang hindi pa natutulog. Nakaunan siya sa braso nito at bahagyang nakatingala rito habang ang isa nitong braso ay nakayakap sa kanyang bewang. Tumaas ang isa niyang kamay at hinagod ng hintuturo ang bridge ng matangos nitong ilong. Bumaba iyon sa kanal ng upper lip nito. 

"Sleep now, Andalusia."

"Ang bantot ng pangalan ko pero bakit parang mas gusto mo akong tawagin sa pangalang 'yon?"

"It rolls perfectly on my tongue."

Nairolyo niyang paloob ang mga labi upang pigilin ang malawak na ngiti. Kinikilig ang kanyang perlas. Ipinagpatuloy niya ang paghagod sa mga labi nito. Medyo may kakapalan iyon at barakong-barako ang dating. Natural na mamula-mula at mukhang walang mantsa ng nicotine.

"Hindi ka ba naninigarilyo?" curious na tanong niya rito.

"Do you want me to?"

"Ayoko. Kapag amoy-tabako ka hindi ka makahahalik sa akin."

"Noted."

Napangiti siya.

"Ano nga pala ang trabaho mo bukod sa, uh, pagbabantay kay Chan-chan?"

"You mean, Ms. Karan?"

"Mrs. Duque na po siya para sa kaalaman mo."

"I stand corrected. I'm a pilot. I own a small company with several aircrafts that offer charter services, maintenance, hangar facilities, aerospace and ground support and, uh, distributorship."

"Isa lang yata ang naintindihan ko sa lahat ng sinabi mo--isa kang piloto."

"You don't sound pleased though."

"Isa lang naman kasi ang ibig sabihin no'n. Isa kang piloto na saksakan ng yaman."

"And that's bad?"

"Allergic ako sa mayayaman."

"Why?"

"Mahabang kuwento."

"I'm willing to listen."

"Inaantok na ako." Ipinikit niya ang mga mata at nagkunwang naghihilik.

"Tsk."

Komportable niyang inihilig ang ulo sa dibdib nito. Mayamaya ay bigla siyang napangiwi. Hindi niya napigilan sa pagtakas ang mahinang daing.

"What is it? What's wrong?" Hinaplos ni Callous ang kanyang pisngi at bahagyang inangat ang kanyang mukha. "Andalusia."

"Masakit," mahinang daing niya nang muling humilab ang kanyang puson.

Three to four days kadalasan ang kanyang monthly period. At madalas sa unang dalawang araw ay pinananakitan siya ng puson. Lalo na kapag malakas ang kanyang regla. Napakagat-labi siya nang muling gumuhit ang sakit.

"I'll get you some meds."

Inilingan niya ito atsaka mahigpit na napakuyumos sa suot nitong kamiseta nang umakma itong babangon. "H-h'wag kang umalis."

"Ikukuha kita ng gamot para bumuti ang pakiramdam mo."

"M-mawawala rin 'to."

"But you're in pain."

"Kiss mo na lang ako."

Sandali lang itong tila natigilan sa sinabi niya saka yumuko at pinaglapat ang kanilang mga labi. Naramdaman niya ang tila mga paruparo sa kanyang sikmura. Pagkuwa'y nagkaroon ng mga mumunting kilabot sa dulo ng kanyang mga daliri. Iniawang niya ang kanyang mga labi nang humagod doon ang dila ni Callous. Sinalubong niya ito ng kanyang dila at mainit na nakipag-eskrima sa dila nito.

The Untouchables Series Book 3 Callous DuboisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon