Rumor

6.6K 551 97
                                    

Chapter Fourteen

"UY, mga madi aram na nindo ang latest?" Iyon ang bumungad kay Andeng bago pa man siya mapaupo sa umpukan ng kanyang mga pinsang babae. 

"Tsismis na naman 'yan, 'no?" ani Andeng sa pinsang si Karen.

"Hindi, Ate. Kasi 'yong taong involved mismo ang nagkuwento," depensa kaagad nito.

"Aber nga, aber. Ano ba ang latest?" atat naman kaagad na tanong ng isa pa nilang pinsan, si Aimee.

"'Yong Lingatong Sisters, umaariba," excited na kuwento ni Karen.

Nang marinig ang nabanggit sa tsismis ay kaagad na naging alerto ang tenga ni Andeng. Bagaman hindi siya sigurado kung pareho ang "lingatong" na tinutukoy ni Karen sa minsang naitsika sa kanya ni Renato.

"Paanong umaariba?" ani Lilia.

"Aba'y sa bahay na no'ng foreigner natutulog. Kina-career ang pambabakod doon sa guwapong turista."

Natigilan si Andeng. Isang turista lang ang alam niyang inaaligiran ng Lingatong Sisters. At ang turistang nabanggit ay umaakma sa deskripsyon nito. Guwapo at foreigner. Si Callous.

"Ahm, ano raw ang pangalan?" kunwa'y curious niya lamang na tanong.

"Cali 'ata. Parang gano'n," tugon ni Karen.

Cali? Pinaiksing Callous?

Nagtiim ang mga labi ni Andeng. Kaya ba ilang araw na niya itong hindi nakikita? Ni hindi na rin ito nadadalaw sa kanya sa gabi. Pero dahil alam niyang binabantayan nito si Chantal hindi niya masyadong pinag-isipan iyon. Ngayon niya lang napag-isip-isip na siguro ay may nakapukaw ng iba sa atensyon nito. Sa madaling salita, nawalan na ito ng interes sa kanya.

Tila may pumisil sa puso niya sa isiping iyon. Pero pinilit niyang ignorahin dahil wala naman silang relasyon. Bukod sa ito ang gusto niyang maging tatay ng anak niya ay wala naman silang label. Ang tanong ay gusto ba niyang magkaroon sila ng label?

Callous was in it for the sex. Habang siya naman ay dahil sa hangarin niyang magkaroon ng anak. Kung magkakaroon ba sila ng label ay may patutunguhan naman kaya ang kanilang relasyon?

Hindi siguro, mapait siyang napangiti.

Nagpatuloy ang usapan ng mga Marites. Nakikinig lang si Andeng. Tinatalasan ang pandinig dahil aminin man niya at hindi ay interesado siyang marinig ang lahat ng ditalye.

"Ipinagluto niya raw ng pinangat. Kuntodo effort, mga mare. Kaso inisnab daw noong una ang dala niya. Allergic daw kasi sa hipon."

Lihim na napaismid si Andeng sa narinig.

"Tapos no'ng sumunod naman daw, hinatiran niya ng calderetang kambing. Inisnab daw ulit. Alam niyo kung ano ang dahilan?"

"Ano?" halos sabay-sabay pang tanong ng mga Marites.

"Labag daw iyon sa kanilang relihiyon."

"Talaga? Ano bang relihiyon ang bawal kumain ng kambing?"

Hindi niya rin alam na may ganoong relihiyon. Ang alam niya lang ay iyong mga taga-Middle East. Mahigpit na ipinagbabawal doon ang pork.

"Hindi ko rin alam. Pero no retreat, no surrender ang peg, mga mare. Sa ikatlong balik niya raw ay natong na naglalana-lana sa guta, binangutan niya nin sibubog," laing na nagmamantika sa gata na nilahukan ng galunggong, ang ibig nitong sabihin. "Ayun daw, tinanggap at wala pang fifteen minutes ibinalik na sa kanya ang lalagyan na simot ang laman."

"Baka naman naawa lang sa kanya dahil masyado na siyang desperada," kontra ng isa sa mga Marites.

"Malamang," ani Lilia.

The Untouchables Series Book 3 Callous DuboisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon