Bite

4.1K 359 41
                                    

Chapter Thirty-Six

"ARE you okay?" worried na sumalubong kay Andeng ang mukha ni Callous nang lumabas siya ng banyo.

Nagsuka siya pagkatapos nilang maghapunan. Ang dami-dami niya kasing kinain. Naparami pang lalo ang kain niya dahil ipinagluto siya ni Callous ng ube halaya at leche flan. At talaga naman, nakakapaglaway ang sarap. Nakadalawang llanera siya ng leche flan at isang llanera ng ube. Kaya ang siste, matapos kumain ay takbo siya ng banyo. Doon niya isinuka ang katakawan niya. Nang matapos ay parang nanlambot siya bigla. Agad siyang nagmumog at nag-toothbrush. Nang parang nalalasahan pa ang mapait na after taste sa bibig ay makailang beses siyang nag-gargle ng mouthwash.

"Ayos lang ako," nakuhang isagot ni Andeng sa tanong ni Callous. 

Pinalis niya ang pawis nito sa gilid ng mukha. Napakainit kasi talaga sa bahay niya. Para silang nagbabahay-bahayan sa loob ng oven. Naaawa na nga siya rito dahil puwede naman ito sa maginhawa at komportable nitong bahay pero nagsusumiksik ito roon kasama siya. Gusto na tuloy niyang bumilib sa kanyang alindog.

"Sabi ko naman sa'yo, umuwi ka na lang sa bahay mo. Ang init-init dito. Puwede mo naman akong dalaw-dalawin na lang."

"It's not open for discussion, ma puce."

"Eh, kasi naman naaawa na ako sa'yo."

"Did you hear me complaining?"

Napabuga na lang siya. Umangat tuloy ang paalon niyang bangs.

"But if you're worried about that, let's stay a couple of days in my house."

Napalabi siya.

"We can bring Semen if you're worried about your cat."

"Meron ka ng semen bakit naman magbibitbit ka pa ng semen ng iba?"

"I meant, Samin."

"Hayan, aayusin mo kasi."

"So, what do you think?"

Nag-isip pa siya kunwa. "Sige, payag ako. Ibibilin ko na lang kay Daday si Samin. Ibibili ko na rin ng pet carrier kasi nire-request ni Chan-chan na iuwi namin sa Bicol. Ihahanap ko rin siya roon ng mixed breed na jowa."

Parang biglang umasim ang expression ng mukha nito.

Napahalakhak bigla si Andeng. Hindi niya napigilang panggigilan ang ilong ng kasintahan.

"Bakit parang ang guwapo-guwapo mo ngayon?"

Namula bigla ang mukha nito. Lalo ng lumakas ang mga halakhak ni Andeng. Ipinulupot niya ang dalawang braso sa leeg nito at nangunyapit doon. 

"Buhatin mo ako. Gusto ko 'yong parang koala o tarsier na nakakunyapit sa puno."

Mabilis namang naunawaan nito ang gusto niyang mangyari. He cupped her butt at iniangat nito mula sa sahig. Boluntaryong pumulupot kaagad ang mga legs niya sa bewang nito.

"Hayan, perpektong-perpekto," pilyang saad niya bago sadyang idiniin ang harapan sa matigas na harapan ng kasintahan.

Napaungol ito nang maunawaan kung ano ang ginagawa niya. 

Naka-duster siyang pambahay na spaghetti-strap. Below the knee ang haba at A-line ang tabas. Breezy dahil tanging manipis na lacy underwear lang ang kanyang pang-ilalim. At dahil nakapulupot ang mga binti niya sa bewang nito, nakaangat din ang laylayan ng kanyang duster hanggang sa kanyang puson.

"Ah, ma chérie," daing nito sa paos na boses bago siya isinandal sa may gilid ng pinto ng kanyang kuwarto. He grabbed the back of her head and pulled her hair before claiming her lips for a deep and searing kiss.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Untouchables Series Book 3 Callous DuboisWhere stories live. Discover now