Gifts

7.3K 547 101
                                    

Chapter Seven

"ANO ang nangyari? May sakit ka raw?" hindi pa man nakapapasok ng pinto ay iyon kaagad ang bungad ni Renato kay Andeng.

"Trangkaso lang."

Bandang hapon na ito nakabisita sa kanya dahil napasobra raw ang inom at nagka-hangover. Tanghali na nga raw ito nakauwi at pagdating ng bahay ay natulog lang din ulit.

"Sabi ni Manay Marcy nakaapak ka raw ng matigas at matulis sa baybay kagabi," makahulugang tanong nito.

"A, o-oo. Pero hindi naman masyadong bumaon," tumagos lang hanggang matris.

"Patingin."

Pumiksi siya. "Keribels ko na 'to."

Humalakhak ito sa sagot niya. "Guwapo ba?"

"Walang katulad."

Nang mamilog ang mga mata ni Renato sa sagot ni Andeng ay mabilis siyang kumambyo.

"Charot lang, gagah," aniya.

"Hmp. Akala ko pa naman nabingwit mo na 'yong guwapong hombre."

"Ano 'yon, instant pancit canton?" lihim na napangiwi si Andeng. Kung tinatamaan siguro ng kidlat ang mga nagsisinungaling, baka nangingisay na siya sa mga oras na iyon. "Eh, kayong tatlo? Nag-threesome kayo, 'no?"

Iniba niya ang topic bago pa makahalata ang kausap na nagsisinungaling siya rito.

Tila kinikilig namang tumango nang sunud-sunod si Renato. Nanlaki ang mga mata ni Andeng.

"Kaya ka tinanghali ng gising," singhap niya. "Durat ka talaga."

Ang huli'y paimpit niyang naidugtong. Na ang ibig sabihin ay: ang landi mo talaga. Para namang dalaginding na kinilig ang baklita. Impit na naghampasan sila na parang mga teenager na kinikilig habang pinag-uusapan ang kanilang crush. 

"Sana all may makulay at mainit na lovelife," panunukso pa niya rito.

Pumikit-pikit pa ito atsaka inipit sa magkabilang tenga ang imaginary strand ng mahabang buhok. "Kabog ang beauty mo dzai."

"True," napalabi siya.

"Ay, naalala ko. 'Yong hombreng ka-eye-to-eye mo noong nakaraan, hinaharot no'ng magkapatid na lingatong."

"Si Callous?"

"Kilala mo na?"

"Um, narinig ko lang ang pangalan niya nang may tumawag sa kanya," palusot niyang sagot.

"Ah."

"Anong klaseng panghaharot naman?" kunwari'y kaswal at walang interes niyang tanong. Pero ang totoo ay parang gusto niyang magngitngit. 

Komokontra nang husto ang kalooban niya sa isiping bukod sa kanya ay baka may tumikim din ng ampalaya ni Callous. Wala naman siyang karapatan para mainis at pagbawalan ito kung sakali. Dahil ano lang ba ang meron sa kanila? One night of chukchakan. Na pihadong normal at ordinaryong gawain lamang para rito. 

Ngayong tuluyan ng lumipad ang tama ng alak sa kanyang sistema ay saka siya nakaramdam ng panliliit. It was a very desperate move. Ang makipaglandian at eventually makipag-one night stand sa isang estranghero. Dahil paano na lang pala kung may STD ito?

"Inay ko po," napatutop siya sa bibig.

Sa mga romance novels lang magandang imadyinin ang mga one night love affair. Tapos may buntisan part at taguan ng anak. Katulad noong gasgas na plot na isinulat noong isang very naughty author sa wattpad. Nakalimutan niya ang pangalan no'ng author. Hindi naman kasi sikat kaya hindi niya masyadong natandaan. Babasahin niya na lang ulit 'yong story. Baka sa ikasampung ulit niyang pagbabasa ng story no'n ay matandaan niya na.

The Untouchables Series Book 3 Callous DuboisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon