House Visit

6.9K 440 64
                                    

Chapter Thirty-Two

"ALAM mo, 'no?" 

"Hmm?"

Tumigil sa pagtutulak ng pushcart si Andeng at hinarap ang kasintahan. Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at tinitigan nang diretso sa mga mata.

"PDA?"

"Tumingin ka nang diretso sa mga mata ko."

And he did.

"Yes or no?"

"I'm not sure what you mean."

"Hindi ba talaga?" pananalakab pa ni Andeng.

"Yep."

"So, imagination ko lang 'yon na parang kilala mo si Kirby at alam mo kung ano ang nakaraan ko sa kanya?"

Gumalaw ang Adam's apple ni Callous sa tila hirap na paglunok. "You'll get mad for sure."

Isang ubod ng lapad na ngiti ang ipinaskil ni Andeng sa mga labi. "Naku, hindi. Bakit naman ako magagalit? Invasion of privacy lang naman ang ginawa mo."

"It's because I want to understand where you're coming from. To know the reason behind the pain and the bitterness I saw in your eyes."

"Buwisit ka," inis na pumiksi si Andeng at nag-walk out habang tulak-tulak ang grocery cart.

"Ma puce, wait."

"Tse." Dumiretso siya sa section ng mga de lata. Dumampot siya ng isa. Nang makita ang presyo ng item ay kamuntik na niya iyong mabitiwan. "One hundred sixty pesos?!"

Mayamaya lamang ay nasa tabi na niya si Callous. "Don't mind the price, ma puce. If you like it, put it in our cart."

"Juskue, one hundred sixty pesos para sa isang pirasong de lata? Alam mo ba kung ilang piraso na ng sardinas ang mabibili ko sa halagang ito sa grocery na malapit sa amin?"

Nanulis ang mga labi nito at lumiko. Pinormalan niya ito ng mukha at inirapan.

"Hindi nakakatawa," pataray na sabi niya atsaka ibinalik ang sardinas sa shelf.

Dumampot pa siya ng iba. Parang nangilo yata ang ngipin niya dahil pamahal nang pamahal ang bawat item. Ang pinakamura yatang nakita niya roon ay fifty-three pesos.

Ano bang klaseng supermarket ang Clover Leaf? Napangiwi siya nang mapansing panay pala imported ang paninda roon. No wonder, mahal talaga ang mga item. 

Nang muli niyang itulak ang cart ay nagtaka siya dahil parang bumigat iyon. Pagtingin niya ay ganoon na lamang ang gulat niya dahil naroon na ang mga de latang ipinagbabalik niya sa shelf. At hindi lang isa, bawat item na kinuha niya ay may tigtatatlong piraso.

"Cal--" hindi niya natapos ang sasabihin dahil basta na lamang nitong inilapat ang bibig sa mga labi niya.

"I'm paying. Please, stop arguing with me."

Pinanaliman niya ito ng mga mata. Naiinis pa rin siya sa ginawa nito. Pakiramdam niya ay sinilipan siya nito nang basta na lamang kalkalin ang kanyang nakaraan. Siguro kung hindi pa hulog na hulog ang loob niya rito ay magagalit siya nang husto. Pero nang marinig niya ang paliwanag nito ay parang lumambot bigla ang loob niya. Oo, mali ang ginawa nito. Ngunit isang bahagi niya ang nauunawaan kung bakit nito iyon ginawa. Hindi niya basta-bastang bubuksan dito ang nakahihiyang kabanatang iyon sa kanyang buhay. 

"Let's just buy all the supply that we'll need, okay?"

"Palibhasa marami kang pera." ingos niya.

"Exactly. And what's the use of having so much money if you're not gonna spend it? Money is earned and spend, ma puce. And I don't mind spending every penny for you."

The Untouchables Series Book 3 Callous DuboisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon