Aftermath

9.1K 591 142
                                    

Chapter Five

GUSTONG ngumuyngoy ni Andeng sa napunit niyang hymen. Pero alam niyang kahit anong gawin niya ay hindi na iyon mabubuo pa. Wasak na wasak ang kanyang pukembang. At may palagay siyang pati ang matris niya ay may lamat na rin nang walang awang pasukin na lang siya basta ng dambuhalang ampalaya.

Iyon ang tingin niya sa magiting na pag-aari ng lalaking 'yon na basta na lang ibinaon sa kanyang puwerta. Maugat at mataba na may ulong mamula-mula. Ano ang sinabi ng mga sex toys na ipinakita ni William sa kanya? Waley

Napangiwi siya at hirap na hirap itikom ang mga hita. Pakiramdam niya ay may nakapasok pa roon. Kahit gusto niyang manatiling nakahiga para palipasin ang pananakit ng buong katawan ay hindi siya puwedeng manatili roon at mag-feel at home. Ni hindi niya kilala ang lalaking sinamahan niya at bumiyak sa kanya.

Luki ka talaga, Andalusia! gigil na asik niya sa sarili.

Hindi siya makapaniwala sa kagagahang ginawa niya sa gabing iyon. Nakipagtsuktsakan siya sa isang lalaki na ni hindi niya alam kung ano ang pangalan. Kakaibang level din pala ang kanyang katangahan. Noong una ay kamuntikan na niyang maisuko ang pagkababae sa lalaking inakala niyang mahal siya. Ngayon naman basta na lang siyang bumuka sa lalaking ni hindi niya alam kung mabuti bang tao o isang kriminal. Oo nga't saksakan ng guwapo, pero ano ba namang katangahan ang sumapi sa kanya at basta na lamang sumama rito?

Lasing ako, mabuway niyang katwiran.

Tanga!  Nakainom ka lang pero malinaw pa ang isip mo, kontra ng isang  maliit na boses.

Gusto niyang iumpog ang sarili sa pader. Ang kaso wala nga palang pader doon dahil sawali ang dingding ng buong kabahayan. Noon niya lang din napansin na nag-iisa na siya sa kuwarto. Saan na kaya nagpunta ang lalaking may dambuhalang ampalaya?

Bakit hinahanap mo pa? Balak mong mag-goodbye kiss, ganern? pang-iinsulto niya sa sarili.

Nagpalinga-linga siya sa paligid, hinahanap ang kanyang mga damit. At naalala niya sa sala nga pala siya binurlesan ng lalaking may dambuhalang ampalaya. Ngali-ngaling tuktukan niya ang sarili. Kailangan ba talagang sa ganoong paraan niya tutukuyin ang lalaki?

Pihadong kung magkakaideya ang tatlong beki sa nangyari sa kanya sa gabing iyon ay walang katapusang pang-aasar na naman ang maririnig niya. Kaya kailangan niya na talagang umuwi bago pa siya abutan ng pag-uumaga roon. Pero paano nga ba siyang aalis doon ganoong sa mumunting galaw niya ay para ng binibiyak ang katawan niya sa sakit?

Kagat-labing sinubukan ni Andeng na bumaba ng kama. Ngunit bago pa man siya makakilos ay nakita niyang pumasok ng kuwarto ang lalaking may dambuhalang ampalaya. Pero hindi tulad kanina ay nakatago na sa boxer shorts ang ampalaya nito. Ngunit halatado pa rin ang nagmamayabang na umbok sa harapan. Kahit hirap ay kinipit niyang pilit ang mga hita para lamang maikubli ang nakabuyangyang niyang perlas ng sisilangan--wala pa siyang anak kaya natural na hindi sinilangan. May dala itong plangganita sa buong pagtataka niya.

Sasahurin niya ba ang dugo ko? Napayuko siya nang wala sa oras sa kanyang harapan. Anak ng tinapa, bakit dumudugo pa?

Ramdam niya na parang may sugat nga siya sa loob. Hindi kaya iyon ang maging cause of death niya?

Para na niyang nakikini-kinita ang isang headline: Babae namatay nang maubusan ng dugo dahil sa nabiyak na pukembang. The horror! Baka sabay na bumangon ang mga magulang niya sa hukay at ibalik siya sa sinapupunan ng kanyang nanay.

Nang maupo ang lalaki sa gilid ng kama ay gusto niyang mapaurong palayo rito. Pero dahil hindi makagalaw sa kinauupuan ay wala siyang choice kundi ang manatili sa kanyang puwesto. Tahimik na inabot ng lalaki ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa magkabila niyang tuhod para mapanatiling magkadikit ang kanyang mga hita.

The Untouchables Series Book 3 Callous DuboisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon