Beastie

22.7K 682 166
                                    

hello ulit! hindi raw sila nagsasawa kaya sige lang, parang unlimited rice lang 'yan😂😂😂 Joy Delacruz, Precious Gem San Felipe, Hiedee R. Lipit, Lyn Delos Reyes Talisic, Izzy Lee Cheska Asis, Ellahrose MP Bilangatao, Rhea Ruiz na asawa ni Boogie, Donalyn De Grano Garcia, Cheenchan Hanning Kana Sanwi, Irenor Lavares, Divina Relano Borromeo, Rhea Londres, Jocelyn Binas Songalia, Nikks Escandelor, Rosavie Dela Cruz, Avic Obispo, Lea Jore, Ira Louiese D. Pesario, Melona Tubianosa, Anne Alarcon-Morillo, EliMae Viloria, Brendalyn Pablo Omanglad, Cecille Garcia Rementilla, Karen Mae Nuevaespana Roa, November Mission and Cristal Navarro.

 Pesario, Melona Tubianosa, Anne Alarcon-Morillo, EliMae Viloria, Brendalyn Pablo Omanglad, Cecille Garcia Rementilla, Karen Mae Nuevaespana Roa, November Mission and Cristal Navarro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"MOM, stop messing my hair," nayayamot na iniwas ni Callous ang ulo mula sa pakikialam ng ina sa ayos ng buhok niya.

Tinampal ng ina ang kamay niya. 

"Oh, shush. You used to love it when I style your hair," pakli ng inang si Antoinette Dubois.

"That was when I was a little boy. I am already eleven and soon enough I am going to be a teen."

"Heh. To me you will always be my little Cali."

"Ugh. Do you know what Cali means?"

"No. I love calling you Cali and I don't care whatever it means."

"It's a girl's name, geez. And it means most beautiful from the Greek word kallistos."

"Perfect. It suits you because you are beautiful." Ikinulong ni Antoinette sa dalawang kamay ang mukha ni Callous at parang munting paslit na inipit sa pagitan ng dalawang palad ang magkabilang pisngi ng anak at pinanggigilan.

Callous snorted.

Tinawanan lang siya ng ina saka parang tuwang-tuwa na pinupog ng halik ang kanyang leeg.

"Mom, stop!"

"Hayan, o. Amoy-baby ka pa rin."

He groaned in annoyance. Kung ang ibang bata ay natutuwang bine-baby pa ng mga magulang, siya ay hindi. Sa palagay niya ay OA na tratuhin pa siya ng ganoon ng kanyang ina. He does pretty much everything on his own now. And that's because he's going to be a young adult soon. At pagdating ng panahong 'yon ay siya na ang mag-aalaga sa kanyang ina. Hindi na nito kailangang gampanan ang papel na iniwan ng kanyang ama--to be the organization's Lady Boss. Kaya nga sa bawat araw ay mas lalo pa niyang pinagbubutihan ang self-defense training na ginagawa niya. He couldn't wait to get older, stronger and be a man his mother can lean on.

"Madame, it's time," anunsyo ng personal bodyguard ni Antoinette.

"Oh, Louis. We're almost ready."

Hindi na lamang nagreklamo si Callous nang muling suklayin ng ina ang sa palagay niya ay maganda ng pagkakaporma ng kanyang buhok. Gustong-gusto kasi nitong ipinoporma ang buhok niya sa hairstyle ni James Dean. Kamukha raw kasi iyon ng Daddy niya.

"Okay, we're set to go."

Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pinipigilang pagngiti ni Louis nang damputin ang kanyang bagahe palabas ng kanyang silid. Pinalampas na lang niya iyon. Sumunod sila rito ng Mommy niya hanggang sa naghihintay sa kanilang sasakyan. They rode on separate vehicle.

The Untouchables Series Book 3 Callous DuboisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon