Supernova

7.8K 459 41
                                    

 🔞 patnubay ng partner ang kailangan. kung walang kapareha pumunta ka sa shop ni Andalusia➡️➡️Andalusia's Delightful Toys.

Tagalog ang narration kapag POV ni Andeng dahil hindi naman siya konyita. at sa totoo lang hindi ako masyadong komportable kapag Tagalog ang bed scene. and I'm sure some of you, too. anyway, here it goes...

.

Chapter Twenty-Nine

KASABAY ng paglapat ng likod ni Andeng sa ibabaw ng kanyang kama ay maririnig sa bubong ang malakas na patak ng ulan. Sa pakiramdam niya ay mas lalong naging maalinsangan ang paligid. Katamtaman lamang ang laki ng kanyang silid. May queen size bed sa isang tabi na nakadikit sa dingding, night table na maliit, at three-door na kabinet. Sa tapat ng ulunan ng kanyang kama ay ang high window na may grills. Kung mainit sa labas ng kuwarto niya ay mas mainit doon. Bagaman may ceiling fan na nakakabit sa kisame ng kuwarto. Iyon nga lang sa palagay niya ay hindi makasasapat ang hangin na nagmumula roon para mapawi ang init sa loob ng silid. Nakadagdag pa ang init na umaalipin sa kanilang mga katawan.

"It's a little hot in here, let me take this off," inabot ni Callous ang hook ng kanyang bra.

Kung dati'y insecure si Andeng sa size ng dibdib, ngayon ay hindi na niya maramdamang may kulang o dapat ikahiya sa kanyang katawan. Lalo na kapag pinagmamasdan siya ni Callous na puno ng init. Na para bang sa paningin nito ay siya na ang pinakamagandang babae na nakita nito sa buong mundo. If men were to look at their wives like that, siguro ay walang babae ang makakaramdama ng insekyuridad sa pagmamahal ng kanilang asawa.

Dumampi ang mga labi nito sa kanyang noo, sa talukap ng mga mata, ilong, at labi. Marahan nitong kinagat ang kanyang labi, hinagod ng dila pagdaka, at marahang sinipsip. Umawang ang mga labi niya at hinayaan itong manghimasok pa roon habang ang isang kamay nito ay nagpapalipat-lipat ng pisil at piga sa magkabila niyang dibdib. Gusto niya ang tamang pressure ng ginagawa nito sa kanyang mga suso. Na para bang alam nito kung ano ang makasasakit sa kanya at makapagbibigay ng matinding kasiyahan.

Napaliyad siya nang dumausdos ang mga labi nito sa kanyang leeg. Pawisan na rin siya dala ng alinsangan sa silid at sa init na pinagsasaluhan nila ng mga sandaling iyon. Ngunit parang hindi alintana ni Callous nang dilaan nito ang kanyang balat.

"Haa," nahigit niya ang paghinga nang hulihin nito ang isa niyang dunggot. Kahit ilang beses na nitong ginagawa iyon ay walang pagbabago ang init at sarap na hatid niyon sa kanyang katawan. Napapahalinghing siya sa banayad na pagkagat-kagat nito roon at paghitit na tila ito gutom na sanggol. "Caaal..."

Mabuti na lamang at malakas ang ulan sa labas. Kung hindi ay baka nabulabog na ng halinghing niya ang maliit nilang compound. Nang gumapang pababa ang mga labi ni Callous ay naisabunot niya ang mga daliri sa buhok nito. Hinagkan nito ang kanyang tiyan pababa sa kanyang pusod. Masarap na kiliti ang nanulay sa kanyang mga ugat nang paikot na maglaro ang dila nito roon.

Napatanong tuloy siya sa sarili kung may erogenous spot ba ang pusod? O talagang sensitive lang siya at kaydali siyang napag-iinit ni Callous? Puwede rin namang dahil pro na sa pakikipagtalik ang kapareha niya kung kaya't pamilyar na ito sa kiliti ng babae. 

"Aaah," napaliyad si Andeng at napilitang bumitiw sa buhok ni Callous nang sumuot ang ulo nito sa ilalim ng kanyang palda. "T-tanggalin mo na lang 'yan. Mahihirapan... k-ka pa." 

"It looks good on you. I'll buy you more skirt."

Napangiti siya sa kabila ng tila nagdidiliryong pakiramdam. Ang suot niya ay high-waist na palda na may mataas na slit, A-line kaya maluwag pababa sa laylayan. Mahilig siyang magsuot ng palda at bestida. Very girly ang mga tipo niyang damit. At mukhang gusto naman iyon ni Callous.

The Untouchables Series Book 3 Callous DuboisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon