Crazy

5.2K 429 54
                                    

Chapter Twenty-Seven

HALOS pangapusan ng hininga si Andeng nang matapos ang halik. At bago pa lumapat ang kanyang mga sakong mula sa pagkakatiyad ay humabol pa ng halik si Callous.

"Grabedad. Gutom na gutom lang? Pakainin mo muna ako bago mo papakin ang lips ko," reklamo niya rito.

Bitbit ang mga dalang pagkain ay nagpalinga-linga ito kung saan ilalapag ang mga dala.

"Dito po ang dining area," aniya sabay hila rito sa isang braso patungo sa kabila ng divider na naghihiwalay sa kusina at sala.

Nang ilapag nito ang mga brown paper bags sa ibabaw ng mesa ay kaagad siyang kumuha ng mga kubyertos, baso, at plato. Naglabas na rin siya ng malamig na tubig kahit hindi siya sigurado kung umiinom ba ng tap water ang kanyang bisita. Iyon pa lang ang laman ng fridge niya. Nilinis niya iyon kanina at pinasingaw muna ang kulob na amoy bago naglagay ng tubig at gumawa ng ilang pirasong yelo. Ang mga tenant niya kasi madalas ay sa kanya bumibili ng yelo. Ilang bahay rin iyon at pandagdag na sa pambayad ng kuryente.

"Ano'ng dala mong food?" 

Nang makita niya ang mga inilalapag nitong pagkain sa mesa ay naglaway siya. Sa amoy pa lang ay natatakam na siya.

"Lechon manok, beef teriyaki, sugpo, pusit, sisig, pork buns, siomai, iced tea, French fries, ice cream, cake, spaghetti,  and pizza. May kulang ba?"

Itinikom niyang paloob ang mga labi. "Puwede na 'to."

"You want my heart, too. My body and my um, ampalaya?"

"Ibibigay mo?" nangingiting tanong niya.

"We can negotiate after you fill up your stomach."

Natawa siya. Kinuha niya ang kalahating gallon ng ice cream at inilagay sa freezer. Ang cake ay hindi na niya inilagay sa refrigerator at hinayaan na lamang sa mesa. Sesentensiyahan niya rin kaagad iyon mayamaya lang.

"Ikaw, kumain ka rin. Kahit malakas akong kumain hindi ko mauubos mag-isa ang mga ito." Kumuha siya ng French fries at sinubuan ito.

Tiningnan nito ang pagkaing hawak niya.

"Malinis ang kamay ko, huwag kang mag-alala," ingos  niya.

Sa halip na ibuka na lang ang bibig ay hinawakan nito ang palapulsuhan niya atsaka tinanggap ang fries na isinusubo niya rito. Pero instead na ang French fries lang ang isubo ay idiniretso nito pati ang dalawang daliri niya na may ipit-ipit sa kapirasong patatas. He even licked her fingers na ikinapamula ng kanyang mukha.

"M-masarap?" nauutal na tanong niya.

"Salty."

"Maalat ang mga daliri ko?"

"Hm," tipid nitong sagot na may kasamang pagtaas ng isang sulok ng bibig. 

Napairap siya.

Kinuha ni Callous ang kutsara't tinidor atsaka siya ipinagpilas ng isang hita ng lechon manok. Inilagay nito iyon sa plato niya. Sa dami ng pagkain ay hindi niya alam kung ano ang unang kakainin. Ibinuhos na lang niya sa kanyang plato ang isang large pack ng French fries. Sumubo siya ng dalawang piraso niyon atsaka sinimulang kainin ang pinilas ni Callous na hita mula sa isang buong lechon manok. Ang sarap-sarap ng amoy. Pati na ang lasa kahit walang sawsawan na gravy.

"Sit," ipinaghila siya ni Callous ng upuan.

Sa gutom yata niya at sa dami ng pagkaing dala nito ay nakalimutan na niyang maupo.

Nang makaupo siya ay naupo na rin ito sa katabing silya.

Habang panay ang subo ni Andeng ay pahapyaw na iginala ni Callous ang tingin sa buong bahay.

The Untouchables Series Book 3 Callous DuboisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon