Empathy

6.2K 451 55
                                    

Chapter Thirty-Three

"AKO na ang magliligpit ng mga ito," prisinta ni Andalusia.

"You can just put it in the dishwasher."

Ipinakita ni Callous kung paano ang gagawin para hindi na mahirapang magmanu-mano pa sa paghuhugas ng pinggan ang kasintahan.

"Gets ko na. Doon ka na sa sala at ako na ang bahala rito. Kayang-kaya ko naman ang mga ito, eh," pagtataboy nito sa kanya.

"Alright, if you insist. I'll just make some calls. You can watch TV if you want, or take a dip in the pool."

"Sige. Tatapusin ko lang dito."

"Don't tire yourself so much," hinagkan ni Callous ang tuktok ng ulo ni Andalusia bago ito iniwan sa kusina.

Dumiretso siya sa kanyang private den at roon na ginawa ang ilang importanteng tawag. Naglaan na rin siya ng isang oras for a video conference. Hindi na iyon bago sa mga executives niya. He doesn't run his company in a conventional way. At kahit madalas ay wala siya roon, alam ng mga ito na may mga mata siya sa loob ng kompanya. Dalawang executives ang sinubukang magnakaw sa kanyang kompanya dati, 'yong isa ay dahil lulong sa sugal at babae samantalang iyong ikalawa ay para sa hospitalization ng may sakit na asawa.

On the spot termination ang ginawa niya sa una at tiniyak niyang hindi na ito makakukuha pa ng matinong trabaho sa kahit na anong kompanya. Habang iyong ikalawa naman ay demotion. He's a fair man but he doesn't forgive easily. Tinulungan niyang maipagamot ang asawa ng executive na iyon ngunit binigyan din niya ito ng leksyon na ang anumang desisyon sa buhay ay parating may kakambal na consequences.

"This is a big project. And I am counting on you, gentlemen," ani Callous sa tatlong exec na kausap.

"We will do our best, Sir."

"I expect no less, Mr. Olivenza. I know it's as good as in the bag but it's not yet considered a done deal until it's sealed and collected."

"Understood, Sir."

"Good night and thank you every one for your time."

"Good night, Sir."

He was about to turn off his computer when he heard a knock. Bago pa siya makasagot ay sumungaw roon ang ulo ng kasintahan. Ulo lang talaga dahil ang katawan nito ay nasa labas pa ng pinto.

"Come in."

"Um, gusto kong maligo sa pool."

"Go ahead."

"Hindi ba malalim?"

"It's ten feet deep."

"Yay, baka malunod ako."

"You don't know how to swim?"

"Marunong naman kaya lang 'yong hanggang anim na talampakan lang ang lalim. Pero kapag doble na halos ng height ko ay takot na ako."

"I'll join you."

"Talaga?" nangislap ang mga mata nito.

"I'll be right behind you." Tumayo na siya para mabura ang pag-aalala sa mukha ni Andalusia.

"Una na ako," nagmamadaling sabi nito na ipinagtaka niya.

Nang masulyapan niya ang puwetan nito bago iyon mawala sa pagitan ng nakabukas na sliding door ay naunawaan niya kung bakit. She's wearing a very skimpy two-piece. 

He chuckled. Very naughty.

Bukas ang malaking TV sa sala. Siguro ay nanood muna ito roon bago naisipang maligo sa pool. Nakita niya pa ang mga pinaghubaran nito sa couch. Naisip niyang doon na rin maghubad at huwag ng magpalit ng swimming trunks. Binubuksan niya ang harapan ng kanyang pantalon nang matawag ang pansin niya ng isang flash report. Para siyang natulos sa kinatatayuan at hindi kaagad nakagalaw.

The Untouchables Series Book 3 Callous DuboisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon