Simula

97 3 0
                                    

Simula

"Nay! Tay! Pupunta na po ako sa palengke!" sigaw ni Nelia habang bitbit ang basket na puno ng mga gulay.

Ititinda nya ang mga ito sa palengke para may pangkain silang tatlo.

Ang ama ni Nelia ay may sakit at hindi na ito makatayo ng maayos kaya hindi na ito makapagtrabaho habang ang ina naman ni Nelia ay ang nag aalaga sa ama n'yang may sakit. Dating katulong ang ina n'ya ngunit dahil sa isang tsismis na kumalat sa buong bayan ay natanggal bilang katulong ang ina n'ya. Ang ama naman n'ya ay isang tricycle driver noong wala pa itong sakit.

Dahil sa nangyari sa kaniyang magulang tumigil sa pag-aaral si Nelia para lang maalagaan at makatulong sa pang-araw-araw nilang gastusin.

"Kumain ka muna Nelia bago ka umalis!" sigaw ng nanay n'ya ng makalabas sya sa kanilang bahay.

"Nay, hindi na po ako kakain!" sigaw nya pabalik sa kanyang ina na ngayon ay palapit sa kanya, kahit na kumukulo na ang tiyan nya dahil sa gutom ay hindi parin s'ya kakain dahil narin sa kailangan n'yang makarating agad sa palengke para makahanap ng pi-pwestuhan.

"Ito oh, may kanin at piniritong isda na sa loob n'yan." ani ng kanyang ina habang inaabot sa kanya ang maliit na tupperware.

"Sige salamat 'nay! Pupunta na po ako sa palengke!" pagkatanggap nya sa tupperware ay dali dali s'yang tumakbo habang bitbit ang malaking basket.

Alas kwatro palang ng madaling araw pero hito sya't nagtatrabaho na.

"Kailangan kong makarating agad doon baka maunahan pa ako ni Emilia sa pwesto kong iyon." bulong ni Nelia sa sarili habang binibilisan ang pag takbo, hindi naman kalayuan mula sa bahay nila ang palengke pero kailangan n'ya paring magmadali.

"Hoy Thea bilisan mo dyan nandito na si Nelia!" sigaw ni Emilia sa anak nitong si Thea.

Nang marinig ni Nelia ang boses ni Emilia dali-dali syang tumakbo at pumwesto.

"Paano ba'yan aling Emilia nauna ako sa inyo ngayon." nakangising ani Nelia kay Emilia na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha, pulang pula ito sa galit.

Ganito ang laging nangyayari tuwing umaga kay Nelia at Emilia. Palagi nalang silang nag uunahan ng pwesto. Hindi rin naman natin sila masisi dahil ang pwestong pinag aagawan nila ay maraming dumadaan na tao kaya marami rin ang bumibili.

Di nalang pinansin ni Nelia ang mag-ina bagkos ay inayos nya ang mga gulay na ibebenta nya.

"Magkano pechay mo?" tanong ng isang lola nasa harapan n'ya habang nakahawak sa pechay n'ya.

Sasagutin na sana n'ya ito ng may isang batang lalaki naman ang nagsalita.

"Ate may talong po ba kayo?"

"Lola, yung sa pechay 50 pesos po ang isang tali n'yan," sagot ni Nelia sa unang  nagtanong na lola.

"Isang tali ng pechay nga!" saad nito pagkarinig ng presyo.

"At yung sayo naman dong, may talong ako dito." sagot n'ya sa batang nag tanong kanina kung may talong ba sya, inilagay na n'ya sa maliit na supot ang pechay nung lola bago ito ibigay at kinuha ang bayad nito.

"Malaki po ba ang talong n'yo ate?" tanong ulit ng bata sa kanya pagka alis ng matanda. May katabaan ang batang nagtatanong at medyo madungis.

"Aba'y oo naman malaki ang talong ko at fresh na fresh pa ito." pagmamayabang pa n'ya.

"Isang kilo nga pong talong ate." nakabusangot na saad ng bata, pa'no ba naman kase hindi ito mapapabusangot e natutulak ang bata sa mga dumadaan na mga tao.

Dali-dali namang kinilo ni Nelia ang talong n'ya bago ito ibigay sa bata at kinuha ang bayad. Habang tumatagal mas rumarami ang mga taong dumadaan at rumarami rin ang customer n'ya.

May nagtanong sa kanyang babae kung magkano ba ang kalabasa, na nasundan ng matandang lalaking naghahanap ng okra, na nasundan ng gwapong lalaki at nasundan pa ito ng mataray na babae hanggang sa nasundan pa ito ng nasundan.

Ito palagi ang nangyayari sa kanya dito sa palengke kaya naman kahit na marami ang taong nasa harapan nya nabibigyan at nakakausap nya parin ang mga ito ng maayos––

"Ano bayan?! Ang tagal naman!" inis na sigaw ng isang ali halata sa mukha nito ang kasungitan.

Kahit na nakakausap n'ya naman ang mga ito ay  may mga tao parin talaga na ang iksi ng pasensya kaya kapag nakakasalamuha si Nelia ng ganitong mga customer ay  humingi agad s'ya ng sorry sa mga ito.

Lumipas ang ilang oras ay naubos na ang paninda ni Nelia at nakaramdam narin s'ya ng gutom kaya kinuha n'ya ang tupperware na binigay sa kanya ng kanyang ina.

Alas dyes palang ay ubos na ang mga gulay nya.

Pagkatapos n'yang kumain ay inayos muna n'ya ang sarili't pinunasan ang pawis bago tumayo at kinuha ang kanyang basket bago lumabas sa palengke at naglakad na pauwi sa bahay.

Ilang kanto nalang ay malapit na s'yang makauwi sa kanila sa ng may nakita s'yang matanda na hirap na hirap maglakad kaya dali-dali s'yang lumapit dito at inalalayan ito.

"Lola saan po ang punta nyo." magalang na  tanong n'ya.

Hindi sumagot ang matanda sakanya sapagkat ay nakatitig lang ang matanda sa kanya habang naka kunot ang nuo na para bang may ina-alala, maya-maya pa'y napahawak sa sariling dibdib ang matanda bago ito nahihirapang nagsalita.

"I-Ikaw 'yon."

––––––

Who's Nelia?Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora