Kabanata 5

19 1 0
                                    

Kabanata 5

Boosan's POV

"Are you ready?" tanong ko.

"Wow, english yan ah." sagot pa nito na parang natatawa pa.

"Gaga! Makisakay ka nalang, pag english kase nag mumukha akong sosyal."

Natatawang napailing nalang si Nelia dahil sa sinabi ko. "Ewan ko sa'yo."

"Tara na bumaba na tayo dito sa sasakyan," ani ko't na una na s'yang lumabas at sumunod naman ako.

Nandito na kami ngayon sa harapan ng  isang gusali na sira-sira ang itsura sa labas pero alam kong sinadya lang na gawing ganito ang itsura nito para hindi makaagaw pansin sa mata ng mga tao na napapadaan sa lugar na ito.

Nilingon ko ang aking kasama na nakatayo sa'king tabi bago ito tinanguan at sinabing, "Mauuna na ako sayo do'n sa loob."

Tumango lang ito at tumakbo palayo sa'kin.

Malamang ay pupunta iyon sa isang lugar kung saan s'ya malayang  makakapagpalit ng damit ng walang nakakakita.

Hinintay kung mawala sa paningin ko si Nelia bago ako naglakad papasok sa loob ng gusali.

Fitz's POV

"So guys, sisiputin pa ba nila tayo." pagbasag ko sa katahimikan. Ang tahimik nila e. Kanina pa kami nakaupo dito't naghihintay at mula nung dumating kami sa lugar na ito ay di na sila nagsalita pa.

"Walang tayo." ani Deon.

"Sisiputin kami ng mga 'yon, tapos ikaw susupotin." walang ganang sagot ng magaling kong kuya.

Sino ang magaling kong kuya? Aba walang iba kundi si kuya Vihon–I mean si kuya Vhion. Minsan napapatanong nalang ako kung bakit sa dinarami-raming tao na p'wede kong maging kuya dito sa mundong 'to bakit si kuya Vhion pa ang naging kuya ko? Bakit s'ya pa? Bakit s'ya pa na isip bata?

"WHAT?!" naguguluhan kong tanong dahil di ko makuha kung anong connect ng salitang 'Sisiputin' sa 'Susupotin'?

"Sabi n'ya supot ka raw." pag sali ni Yazce.

Ano daw?! AKO SUPOT?!

"BAKA KAYO SUPOT!" sa inis ay tumayo ako't  dinuro sa mukha sina kuya Vhion, Yazce at Deon. Pag ako di nakapag pigil kukutusan ko 'tong mga animal na'to.

"What is supot means, care to explain?" naguguluhang singit na tanong ni Wayne. Isa pa'tong bwesit na hinayupak na'to! Dito s'ya lumaki sa pilipinas pero di nakakaintindi ng salitang tagalog. Hayy naku, di ko talaga alam kung bakit ko pa nakilala 'tong walang'ya na Wayne na'to. Biruin mo dito s'ya sa pilipinas pinanganak at dito narin lumaki pero hanggang ngayon di marunong mag salita ng tagalog.

"Wayne and the tagalog words again." napapailing na ani Rylan.

"O10 na maliit." sagot ni Kio.

"O10?! What is O10 means? Is that the brother of Ben10? Ben10 and O10––" ani Wayne na para bang ang tali-talino niya. Kung i-untog ko kaya ang ulo nito sa pader baka may pag-asa pang tumalino ito. Yung totoong talino talaga.

"Shut up!" pag papatigil ni Deon sa bastos na bunganga ni O10 boi. Ahemm. I mean ni Wayne. Sa bastos na bunganga ni Wayne. 

"Kadiri kayo bwesit! Gosh! My inosent brain." nandidiring sabi ni kuya Vhion sabay irap sa'kin. Sa'kin talaga sya umirap! Anong kasalanan ko sa kan'ya para irapan n'ya ako?!

Kuya ko ba talaga 'to? Parang bata na may pagka-bading kung umasta eh.

Akmang hahampasin ko na sana si kuya nang matigilan ako dahil bigla ko nalang narinig ang pabukas ng pinto dito sa loob ng silid na kinaruruonan namin.

Who's Nelia?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant