Kabanata 9

6 2 0
                                    

Kabanata 9

Nelia's POV

Mabilis kong hinabol si Vhion. Ang lakas ng loob n'yang patawanin ang bebe Rylan ko! Lagot sya sakin ngayon.

"Hoy bumalik ka rito!" sigaw ko ng makita ko siyang papalabas ng silid. Aba tatakasan niya pa ako! Akmang susundan ko na siya palabas nang may bigla nalang humawak sa braso ko dahilan para mapahinto ako sa pagtakbo. Sinamaan ko ng tingin ang hangal na nakahawak sa braso ko pero napalitan yun ng matamis na ngiti ng mapagsino ko ito. Guess who? It's my bebe Rylan! Ehe enebe!

"Hi!" he smiled at me!

Cute. Haha!

"Hello. Hihihi!" pinaliit ko pa ang boses ko para naman mag mukha akong cute sa harapan niya.

"Tama na ang landian!"

Naiinis akong napalingon sa nagsalita at sinamaan ito ng tingin.

"Kiong ina ka!" pinakita ko naman ang gitnang daliri ko sa kan'ya. Nakakainis bumubuo pa nga kami ni bebe Rylan ko dito ng love story eh, tapos bigla nalang siyang eepal? Patulugin ko kaya ulit siya gamit ang kamao ko?

"Grabe ka naman Kio, nag momoment pa nga yung dalawa e! Yung manok ni Wayne dumadamoves na oh. Ikaw Kio at Woaz, galaw-galaw rin naman kayo. Dumamoves rin kayo. Pero kung ayaw niyong dumamoves bahala kayo. Kayo rin tatanda kayong walang kasama sa pagtanda." mahabang ani Deon.

Imbes na sumagot ay pinagtuonan ko nalang ng pansin ang kamay ni Rylan na hawak parin ang braso ko hanggang ngayon. Parang gusto ko siyang hamunin kung bakit ayaw niya pang bitawan ang braso ko. Baka may gusto din siya sakin tapos di lang siya 'yong tipo ng tao na sasabihin ang nararamdaman niya kund siya 'yong tao na pinapahiwatig ang nararamdaman niya sa pamamagitan ng pag hawak sa braso. Parang itong ginagawa niya ngayon sakin, nahawak parin sya sa braso ko.

Ang ibig ba sabihin ng paghawak niya sa braso ko ay gusto niya ako?

Napatitig ako sa mukha ng taong nasa harapan ko. Kung ganito ba naman ka gwapo ang dudukot sa'kin ay aba wala ng tanong-tanong ako na mismo ang mag bubukas sa pinto ng van nila.

"Sorry." paumanhin ni bebe Rylan sabay tanggal ng kamay niya sa braso ko.

Ayy tinanggal. Sayang.

Hindi na ako sumagot pa dahil baka mahalata niya na namumula na ngayon ang buo kong mukha. Inilibot ko nalang ang paningin ko sa paligid. Di ko alam kung nasaang lupalop ng pilipinas ako ngayon, basta ang alam ko lang ay nandito ako sa isang malaking silid kasama 'tong mga dumukot sakin.

"Nasa basement tayo ngayon." giit ni Kio na para bang nabasa niya yung nasa isip ko.

Inirapan ko lang siya at saka naglakad palapit sa sofang kinauupuan niya. Dalawa silang nag upo doon sa mahabang sofa. Siya at si Woazxi. Seryoso akong lumapit at umupo sa pagitan nilang dalawa. May gusto akong itanong na sa tingin ko ay sila lang ang makakasagot ng matino sa itatanong ko.

"Anong kailangan n'yo sakin? Bakit niyo 'ko dinalo dito? Alam n'yo bang pwede ko kayong kasuhan dahil sa ginawa n'yo sakin kanina?" sunod-sunod kong tanong at malamig na tinitigan isa-isa silang pito.

"H-Hahanapin ko lang muna si Vhion." nauutal napaalam ni Fitz at saka nagmamadaling lumabas. Hindi na nito hinintay pang may makapagsalita sa amin dahil nagmamadali itong lumabas.

Na takot ko yata ang bebe Fitz n'yo.

"We need you." malamig na ani Woaxzi na nakapagpataas ng balahibo ko sa katawan.

Ba't feeling ko ang creepy niyang tao. Di ko pa siya nakitang ngumiti. Palagi lang siyang seryoso. Wala ba siyang kasaya-saya sa buhay niya?

"Why?" tanong ko nalang rito para naman mawala 'tong tensyong namumuo sa loob ko.

Who's Nelia?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin