Kabanata 12

6 0 0
                                    

Kabanata 12

Nelia's POV

We're going to fight some jerks?

Ibig sabihin kakalabanin nila ang mga sarili nila. Sila yung jerk eh.

"No, we're not."

Naguguluhan akong napatingin kay Woazxi na naglakad palapit sa pinto at binuksan ito. Ano 'yon? Parang nabasa niya yung iniisip ko ah.

May power yata ang isang 'to. Pa'no niya nalaman ang iniisip ko?

"Just follow us, Nelia."  huling sabi nito bago tuluyang lumabas.

Kahit labag sa loob ko ay sumunod nalang ako sakan'ya, gan'on din ang ginawa ng mga pinsan niya.

Di ko alam kung ano na itong dinaraanan namin dahil puro paliku-liko lang kami. Parang nasa loob nga kami ng maze kung tutuosin e.

Sa kalagitnaan ng pag lalakad namin dito walang katapusang paliku-likong daan ay may mahihinang boses akong naririnig. Habang tumatagal ay mas lalo itong lumalakas. Di pa malinaw sa pandinig ko ang ang boses ngunit may naririnig akong mga nag hahalakhakan.

Lumiko ulit kami at doon ko nakita ang limang kalalakihang nakasandal sa dingding at nag tatawanan.

Tumigil ako sa paglalakad at tinignan ko ang mga kasama ko at ngayon ay nakatigil na sila at seryosong nakatingin sa mga lalaking naka harang sa dadaanan namin.

"Whats now if the Royal Sparrow is coming tonight? Mga wala rin namang bayag ang mga 'yon eh. Hahaha!" salita nung lalaking maraming hikaw sa tainga.

"Akala mo kung sino mga duwag naman." salita naman nung lalaking nakasandong itim kaya kitang-kita ngayon ang braso niyang may tattoo na tigre.

"Royal walang bayag Sparrow! HAHAHA!" natatawang ani naman nitong may dilaw na buhog. Para siyang mais tignan.

Walang bayag daw gego. Hahaha! Di ko alam pero parang natatawa na naaawa ako sa Royal Sparrow na pinag-uusapan nila.

"Hinaan niyo boses niyo mamaya marinig pa nila 'tong pinag uusapan natin. Kayo rin baka makabili pa tayo ng lollipop ng wala sa oras dahil baka bigla silang magsumbong at umiyak. Kawawa naman. HAHAHAHA!" natatawang ani nung isang kalbo sakanilang lima.

Parang gusto ko tuloy lumapit sakan'ya at tanungin siya kung anong brand ng shampoo gamit niya.

"Walang'ya ka talaga! Mga g*go! HAHAHA!" nakahawak ito sa tiyan habang tumatawa. Naka taas ang buhok nito na parang pinapormang spike.

Ilang sachet kaya ng gel ang nilagay nito sa buhok para lang mapatayo yan ng ganyan.
 

"HAHAHA!"

Nagulat ako ng bigla nalang tumawa si Yazce na nasa unahan ko kaya napalingon sa amin ang nagtatawananng kalalakihan. Mukhang di niya yata napigilan ang mapatawa sa pinagsasabi ng mga ito.

"Nakakatawa 'yon nuh." seryosong saad nito.

Hanoo daw? Natatawa daw siya pero seryoso. May sira yata itong Yazce na ito eh.

"Speaking of the devil. Narito na pala ang mga walang bayag na Royal Sparrow."  natutuwang pumalakpak ang lalaking may mais na buhok.

Narito na ang Royal Sparrow?

Ibig sabihin Royal Sparrow ang pangalan sa grupo nila Woazxi. Sila 'yong pinag uusapan at pinagkakatuwaan ng limang lalaking nasa harapan namin.

Kaya pala ganito nalang ang reaksyong pinapakita ni Yazce dahil sila pala ang pinag-uusapan at iniinsulto ng mga ito. 'Di ko rin siya masisisi dahil kung ako ba naman ang ininsulto ng gan'on harap-harapan ay baka wala ng mga ngipin ang mga ito sa'kin.

Who's Nelia?Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt