Kabanata 8

6 1 0
                                    

Kabanata 8

Vhion's POV

"So guys. Hehehe! Ano gagawin natin sakan'ya?" tanong ko sa mga kasama ko habang nakaturo sa natutulog na si Nelia. Mah pyutor titaa.

Nandito kami ngayon sa basement ng bahay ni lola Keah.

"Oo nga ano na gagawin natin sakanya? Tatlong oras na ang nakakalipas mula nung kinidnap natin siya pero hanggang ngayon tulog parin siya." ani ng magaling kong kapatid.

"Anong kinidnap natin sya?! G*go adultnap na tawag dun!" pagkontra ko sabay batok sakanya ko para naman dama n'ya. Pere deme nye eng pegmemehel ke pere se kenye eyiee. (Para dama n'ya ang pagmamahal ko para sa kanya ayiee)

Akmang babatukan n'ya ako pabalik ng bigla nalang pumagitna si Deon. Deon the Deoff.

"Tama na 'yan!" sigaw pa nito at pilit kaming pinaghihiwalay ng kapatid ko.

"Tumabi ka––"

"Fitzupot––"

Parehas kaming napatigil ng bigla nalang hinila ni Deon ang nguso naming dalawa.

"Puhhhhtaaa!"

"Ahhngg shhaaakkeeettt!"

"Tumigil nga kayong tatlo d'yan." malamig na wika ni Kio. Wew! Ano na namang trip ng isang 'to? Trip to busan? Ayy Mali, Train to busan pala yun!

"Yes po fafa Kiott." malanding sagot ko, tumingin pa ako sa kanya at pinikit-pikit ang mata ko. Inimagine ko nalang na may mahaba akong pilik mata habang pumikit-pikit. Kelegen ke fefe Kio! (Kiligin ka fafa Kio!)

Fefe Kio? Fefe? Ang bastos naman pakingan.

"Umayos ka nga Vhion!" naiinis na turan ni Bebe Yazce. Nak ng putspa naman oh! Eng demeng neg eegewen seken. (Ang daming nag aagawan sakin)

"Ito namang si bebe Yazce nagseselos agad," lumapit ako sa kinaruruonan n'ya at inakbayan siya. "Wag ka na mag selos bebe. Friend lang talaga kami niyang si Kio. Friends with benefit, hehehehe." niliitan ko pa ang boses ko para cute pakinggan.

"Para kang naipit na daga kuya!" nagkukunyaring galit na sabi ni Fitz habang namumula ang magkabilang tainga.

Sus. Kunyari pa'tong kapatid ko. Halata namang pinipigilan n'ya yung sarili niya tumawa.

"Alisin mo 'yang braso mo sa balikat ko Vhion, kung ayaw mong baliin ko 'yan." naiinis na turan ni bebe Yazce.

"Aww! Ang harsh mo naman bebe ke." malungkot kong tinanggal ang pagkaka-akbay ko sa kanya.

Narinig ko pa ang mahinang hagikhik ni Fitz. Gagi talaga 'tong kapatid ko.

"Gisingin niyo na 'yan." napalingon kaming lahat kay Woaxzi na naka dekwatrong naka upo sa sofa ng bigla nalang s'yang magsalita.

"Nag sasalita ka pala?" manghang tanong ko. Sa buong araw naming magkasama ngayon ko lang s'ya narinig magsalita ulit.

Mahal ang bawat salita nitong pinsang kong ito. Yung tipong pag nag simula na s'yang magsalita mapapatingin ka talaga sa kanya, pano ba naman kase di talaga s'ya palasalitang tao.

"Sino gigisingin namin? Si Wayne o si Nelia?" naguguluhang tanong ni Deon  habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang taong natutulog sa carpented na sahig.

"Oo nga 'no! Ba't di ko naisip 'yan." manghang wika ko pa. Palipat-lipat narin ang tingin ko sa dalawang natutulog sa sahig.

Ang galing! Isa lang 'yong enadultnap namin tapos ngayon naging dalawa na sila!

"Wala ka naman kasi talagang isip." pang epal ng kapatid ko.

Binuhat ko ang silyang nasa malapit sa'kin at umambang ibabato ko ito sa kapatid ko.
"Ngayon sabihin mo sinong walang isip, huh!"

"Shhhh." pag papatahimik sa aming dalawa ni Kio, sabay turo sa katawan ni Nelia na natutulog kaya naman napatingin ako roon. Hala gumalaw!

Napansin kong gumalaw ito kaya
lumapit ako sa pwesto niya.

"Hi, aling Nelia!" masiglang bati ko rito nang tuluyan na n'yang maimulat ang mata niya.

Ngumiti ako nang malapad rito. Yung makikita na ang gilagid sa sobrang lapad. Kasing lapad ng nuo ni lola Keah. Hehehe. Sorry lola.

"S-Sino ka?" nakakunot pa ang nuo nito sakin. Ayyayay. Hindi n'ya ako kilala? Hindi nya ko naalala? Na amnesia ba siya?

"Iniri ako mare!" sagot ko nalang. Sumasakit 'yong pride ko pag may binati ako tapos hindi naman pala ako kilala. Nakakahiya yun mga mare't pare.

"Iniri siya pero sa butas ng pwet nga lang siya nilabas. Kaya 'wag kanang magulat kung mukha siyang tubol." pa epal na naman ni Fitz. Edi ikaw na magaling. Dapat ang pangalan n'ya ay Fitz na magaling slash Fitszing y*wa ka.

Di na nga ako nakilala nung tao tapos ipapahiya niya pa ako sa harapan nito. Grabe di ko na kinakaya 'tong mga nangyayari ngayon.

"Grabe ka makapagsalita ah. Isusumbong kita kay Wayne oh." nakabusangot kong ani sabay lapit sa pwesto ni Wayne.

"Why my name is there?" napabalikwas ng bangon si Wayne mula sa pagkakahiga nito sabay palinga-linga sa paligid. Parang s'ya yung enadultnap namin ah dahil sa mga kinikilos n'ya. Pa'no ba naman kase parang di niya alam kung nasaan siya kung makalinga-linga siya sa paligid.

"Wow! Wayne, nauna pang nagising sayo ang kinidna–este adultnap natin kaysa sayo!" sarkastiko pang tumawa si Yazce bago pumalakpak na para bang bilib na bilib kay Wayne.

Bilib na siya dun? Gumising lang si Wayne bilib na bilib agad si Yazce. Pa'no kaya kung di na magising 'tong si Wayne 'no. Edi bilib na bilib na bilib na talaga 'tong si Yazce ngayon.

Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang akong tinulak ng malakas ni aling Nelia palayo sa kan'ya kaya napahiga ako sa sahig.

"Awtsii. Manyak ka! Bakit hinawakan mo dibdib ko?" reklamo ko sabay upo at sumuksok sa gilid sabay yakap sa sarili kong tuhod.

Grabe din 'tong si aling Nelia. May pagnanasa ata ito sakin eh. Hinawakan ba naman ang dibdib ko tapos pinahiga pa. Hayss. Grabe na talaga 'tong taglay kong kaganpohan. Maganda na gwapo pa. Baka kaganpohan yan. Kailangan ko na talagang papalitan ang apelyedo ko ng kaganpohan.

Vhion Kaganpohan. May angkin kagandahan at kagwapohan!

Yung kagwapohan ko pinag nanasaan ng kahit sino mapa-babae man o lalaki.

"Nasaan ako?! Bakit ako nandito?! Anong kailangan n'yo sakin?!" galit na tanong ni aling Nelia at isa-isa kaming tinignan.

Nung damako ang mata n'ya sakin ay nag peace sign ako at dumila pa. Hehe pacute lang.

"Mukhang naglalaway na aso amputcha."

"Itanong mo sa'kin." kalmadong sagot ni Kio at umupo sa mahabang sofa katabi ni Woazxi.

Itanong mo sa'kin? Pamilyar ah. Parang ano...

"Kung sino aking mahal~" sabay na kanta naming dalawa ni Fitz kaya napatingin kami sa isa't isa at sabay kaming natawa.

"Ang ganda ng boses niyong dalawa ah." sarkastikong ani Yazce.

"Kaya nga e, parang babagyo nga." sabi naman ni Deon sabay tawa.

Pag untugin ko kaya sila 'no.

"Hahaha!" pagsali ni Rylan sa tawanan. Ehe! My babyRylan. Ako talaga kaligayahan n'ya eh!

Napatigil ako sa pagtawa ng bigla nalang kaming binalingan ng masamang tingin ni aling Nelia. Hala lagot. Anong kasalanan namin? Bakit ang sama ng tingin niya?

"Hoy ikaw!" tinuro n'ya pa ako habang masamang nakatingin sa'kin.

"A-Ako?" tinuro ko pa ang sarili ko para malaman kung ako ba talaga yung tinuturo n'ya.

Tumango lang s'ya habang masama paring nakatingin sakin. Unti-unti s'yang lumalapit sakin kaya...

"MAMAAAAA!" nag sisigaw akong tumakbo palayo sa kan'ya.

Kahit di ko alam kung anong kasalanan ko ay tumakbo nalang ako dahil kung di ako tatakbo ay mukha babalatan niya ako ng buhay.

Bahala na ang importante ay important. Ayy ano, ang importante ay makalayo ako dito kay aling Nelia. Malalagot ako nito pag nahabol niya ako.

"MAMAAAAAAAAA! TULOONGGGG! HUHUHUHU!"

–––––

Who's Nelia?Where stories live. Discover now