Kabanata 7

6 1 0
                                    

Kabanata 7

Nelia's POV

Apat na araw na ang nakakalipas mula nang personal kong makilala ang walong bwesit na mga lalaki. Hanggang ngayon ay pinag-iisipan ko parin kung papayag ba ako sa gusto nila na gamitin ako...

Na gamitin ang pagkatao ko bilang isang tinderang si Nelia.

Tuwing naaalala ko ang pinag usapan nila ay di ko maiwasang hindi mainis lalo na nung ginawa nila akong pain at pinag pustahan pa ako!

Mga walang'ya!

"Nelia." napalingon agad ako kay Woazxi nang marinig ko ang pangalan ko sa kanya.

Why is he sounds so sexy when he say my name?

Sound sexy? Mukha kamo siyang boses kalabaw. Like mahhh. Ang lalim ba naman ng boses eh.

Tss. Ewan. 'Di ko na alam kung ano ba 'tong pinag-iisip ko ngayon. Kung saan-saan nalang lumilipad ang isip ko.

Okay! Focus lang Nelia, okay? Focus lang.

"Siya ang gagawin nating pain." biglang wika ni Kio na nakapagpabalik sa'kin sa reyalidad.

Ano daw?! Pain?

Gagawin nila akong pain?

Ano 'yun manghuhuli sila ng isda sa dagat tapos ako ang gagawin nilang pain?

Imbis na ako ang dapat kainin ng mga isda kase ako nga ang pain ay baka mabaliktad pa ang sitwasyon, dahil ako bilang isang pain ay ako ang kakain sa mga isda. Gawin ko pa silang kilawin eh.

"Siya ang gagawin nating pain para sa mga kalaban natin." pag uulit pa ni Yazce.

"Who's Nelia?" Boosan asked so I shot him a danger look.

Sarap mo pong sampalin ng mag-asawang sampal.

"She's the tindira in the palengke and going to be my soon to be tita." ani Vhion tapos biglang tumawa ng malakas.

So, he's really making fun of me. Huh?

"Your english is bad, Vhion." natatawang kumento ni Fitz.

"Inggit ka lang." nakatirik ang matang sagot ni Vhion sa kanyang kapatid.

"So why you choose that Nelia girl?" biglang tanong ni Boosan habang nakatingin sa'kin na para bang inaasar ako.

Lagot ka sakin mamaya.

"Will she deserve it." Kio said while gritting his teeth.

Luh. Problema nito sa'kin?

Sa pagkakaalala ko pinatulog ko lang naman s'ya gamit ang kamao ko ah. Dapat nga magpasalamat pa siya dahil sa ginawa ko eh. Kung titignan mo siyang mabuti nung unang beses na pagkikita namin ay napansin kong may eyebags siya, halatang kulang sa tulog eh. Kaya ayon sinuntok ko para mawala yung eyebags niya. Kaya lang yung eyebags niya dati napalitan ng black eye ngayon. Nag level up ang eyebags, naging black eye. Nice.

"Ano ba kaseng ginawa sainyo n'yang si Nelia ghorl?" maarting tanong ni Boosan.

Bigla akong kinilabutan sa tono ng boses niya. Mukha s'yang bading sa kanto na naghihintay ng kustomer.

"Binugbog n'ya ko!"

"She punch me that make me sleep early."

"Buti nga sayo isang suntok lang e!"

"HAHAHA!"

"Arte n'yo!"

Sabay-sabay na sagot nila na di ko na alam kung kaninong boses 'tong mga naririnig ko ngayon.

Who's Nelia?Where stories live. Discover now