Kabanata 2

34 2 0
                                    

Kabanata 2

Nelia's POV

"U-Uhm, m-magpapaliwanag po ako." nauutal-utal kong ani dahilan para sumama ang mukha nilang lahat maliban nalang kay lola Keah.

Sa klase ng tinging pinupukol nila sa'kin parang kakainin nila ako ng buhay.

Relax lang kayo guys. 'Di ako papayag na kainin nyo 'ko. Ako pa ang kakain sa inyo. Rawr!

"Bakit ka naman magpapaliwanag?" tanong ng isang lalaking kulay green ang mga mata. Ang ganda naman ng mata n'ya, sarap dukutin.

"At pag nagpaliwanag ka sa tingin mo ba papaniwalaan ka namin." dagdag pa nito. Ayy nakaka turn off naman. :'(

"Mga apo! Ilagay n'yo na 'yang mga dala niyo sa kusina." tawag atensyon ni lola sa mga ito kaya naman nakahinga ako ng maluwag ng mawala ang atensyon nila sa'kin at nalipat iyon kay lola.

"Tara na pre." aya ng lalaking may dalang dalawang box na hindi naman kalakihan magkapatong ito at parehas na kulay pink.

Tumango lang ang lalaking may dala ng box ng cake at ito na ang naunang naglakad, sumunod naman ang lalaking may hawak na dalawang kahon na kulay pink. Nang makita ng iba na palayo ang dalawa ay sumunod ang mga ito. Hanggang sa kaming tatlo nalang ni lola Keah ang natira. Ako, si lola at si Kio na nakikipag halikan parin sa sahig.

"Lola, uuwi na po ako." paalam ko.

"Hija, pwede bang manatili ka muna dito." hindi pa ako nakakasagot ay hinawakan na nito ang kamay ko't hinila pasunod sa mga gwapo-este mga apo n'ya. Wala naman akong magawa kaya sumunod nalang ako.

"Uuwi na po talaga ako lola," natigilan ako ng maalala ko sila inay, "Baka po hinahanap na ako nila nanay at tatay."

"Taga saan ka ba hija?"

"Doon lang po sa ano... basta malapit lang po ang bahay namin dito."

"Kung ganon ay imbitahan mo ang magulang mo na pumunta dito." masiglang anito.

"Pero ano po e, may sakit po si tatay at inaalagaan sya ni nanay dun sa bahay."

"Ganon ba, kung ganon bago ka umuwi mamaya pagkatapos nating kumain ay ipagbabalut kita ng mga pagkain para may madala ka sa magulang mo." nginitian nya ako at saka naglakad na uli at dahil nga sa hawak nito ang kamay ko ay nagpatianod nalang ako kung saan man kami papunta.

"Mauna kana palang pumasok sa loob hija." binuksan nya ang pinto sa harapan namin.

"Pero--" bago paman ako makasagot ay natigilan ako dahil sa ingay na naririnig ko.

"Ano ba naman yan! Fitz dahan dahan naman sa paglalagay oh!"

"Hoy Yazce! Ako pa talaga ang pinagsasabihan mo! Bakit hindi itong si Vhion?"

"Hoy karin! Huwag nyo 'kong idamay dyan!"

Lumingon ako sa paligid. Wala na dito si lola kaya naman pumasok na ako. Makapal na sa makapal ang mukha e paki ba nila. Basta papasok ako ang bango kaya ng letchon nila. Tyaka isa pa sinabi sakin ni lola na mauna nalang daw akong pumasok.

Pagpasok ko sa loob ay napanganga nalang ako. T*ngina ano 'to?! Bakit may naghahabulan dito? Pag nasagi talaga nila yang mga pagkain sa mesa lagot sila sakin. Busy akong nakatingin sa tatlong lalaking naghahabulan ng bigla nalang may katawang humarang sa paningin ko.

"Hi miss, I'm Deon. Deonly one for you." inabot pa nito ang kamay sakin pero hindi ko iyon tinanggap. Ito yung lalaking kulay asul ang buhok.

Who's Nelia?Where stories live. Discover now