Kabanata 3

23 1 0
                                    

Kabanata 3

Nelia's POV

"Dahan dahan naman! Ang sakit!"

"Tiisin mo lang ang sakit."

"Tama na please." pagmamaka awa ko sa taong nasa harapan ko dahil nasasaktan na ako sa pinag-gagawa nya sakin. Kung kanina ay nasasarapan ako ngayon hindi na.

"F*ck! Di pa ako tapos."

"Pero kanina ka pa dyan."

"So nagrereklamo ka na ngayon?! Parang di ka nasarapan kanina ah!" naiinis na anito.

"Masama kase masobrahan." pagpapaliwanag ko para matigil na sya sa ginagawa nya.

"Okay!" pabalagsan na binitawan nito ang paa ko na kanina pa nito hinihilot.

"Aray!"

"Sorry! Sorry 'di ko sinasadya." hinawakan ulit nito ang paa ko na nabali yata.

"Anong di sinasadya ha?! Mag dadahilan ka pa--" natigilan ng bigla nalang nilapit nito ang hintuturo sa labi ko. Bakit parang pamilyar saking ang mukha nya? San ko ba nakita 'tong lalaking ito?

"Shhhh."

"L-Lumayo ka nga." tinulak ko ito sa dibdib palayo sakin. Unti-unti na kase nitong nilalapit ang mukha sakin.

"I'm sorry, okay." malambing na sabi niya bago idikit ang labi saki--

"Nelia, anak gising na."

"Naknangtokneneng!" Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang boses ni inay at mahinang katok sa pinto. Ano ba yan! Panaginip lang pala yun sayang di ko man lang natikman ang labi ni––sandali ngalang! Sino ba yung lalaki sa panaginip ko? Di ko nakita mukha nya ang labo e. Pero kahit na di ko sya nakita nanghihinayang parin ako sa di natuloy na halik––takte ano ba yan! Ba't ba ang halay ng utak ko!

Nakabusangot kong binuksan ang pintuan. Magtatanong na dapat ako kung bakit sya kumakatok ng maalala kong magbebenta pa pala ako ng mga gulay!

Anong oras naba?!

"Nay anong oras na?" natataranta kong tanong bago lumabas at kinuha ang basket na puno na naman ng mga gulay. May laman na ang mga ito dahil kahapon pagkatapos namin kumain at tumulong sa mga gawaing bahay ay nilagyan ko na ito ng bagong pitas na gulay na ibebenta ko ngayon.

"Alis na po ako nay!" patakbo akong lumabas ng bahay. Wala ng ligo-ligo ang importante ay ang makapwesto agad ako sa palengke bago maunahan ng mag-ina. Ayos lang din naman na di ako maligo ngayong araw dahil naligo naman ako kagabi bago matulog. Advance mag-isip pare.

"Sandali lang!"

"Good morning Nelia." napatigil ako sa pagtakbo ng makarinig ng pamilyar na boses. Isang taon narin ang nakakalipas nung huli kong marinig ang fisting boses na yan. Anong ginagawa nya dito?

Dahan dahan ko syang nilingon at nakita
ko s'yang nakasandal sa mamahaling niyang sasakyan. Sarap gasgasan.

"Kilala po ba kita, sir?" malamig kong tanong rito.

"Lia, look at me. I'm really sorry sa lahat ng nagawa ko sayo dati. Lahat ng yun pinagsisihan ko." lumapit ito at hinawakan ang kamay ko. May virus pare.

"Wag mo'kong hahawakan kung ayaw mong tamaan!" sinamaan ko ito ng tingin.

"Sorry. Please forgive me Lia." mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ang nangyari dati ay tapos na kaya wag na nating balikan pa! Matagal na kitang pinatawad kaya pwede ba bitiwan mo 'ko!"

Who's Nelia?Where stories live. Discover now