Kabanata 13

5 0 0
                                    

Kabanata 13

Nelia's POV

Sigawan ang naririnig ko mula dito sa loob ng ring habang patuloy akong umiiwas kay mais boy na palaging nagpapaulan ng suntok at sipa sa gawi ko. Di ko nga alam kung bakit siya pa ang nakalaban ko ngayon, kung pwede naman yung kalaban ni Rylan na may tattoong tigre sa braso o di kaya naman ay yung kalaban ni Vhion na maraming hikaw sa tainga.

Nilingon ko ang banda nila Rylan at Vhion. Duguan na ang mukha ng mga kalaban nila samantalang silang dalawa ay parang wala pang ni isang galos ang natamo galing sa mga kalaban. Para ngang ginawa nilang punching bag yung kalaban eh.

"Eyes here, lady!" malakas na sigaw ni mais boy kaya napabalik ang tingin ko sa kalabang nasa harapan.

"Too late to avoid this. Haha!"

Natigilan ako ng bigla nalang may malakas na kamao ang tumama sa mukha ko dahilan para tumagilid ang ng kunti ang suot kung maskara kaya dali-dali ko itong inayos.

"Ito pa!"

Di pa ako nakakabawi ay bigla na namang may kamao ang tumama sa sikmura ko dahilan para mapa subsob ako sa sahig.

T*ngina ang sakit!

Kahit nahihirapan ay gumulong ako paiwas sa sipang itatama sana sa'kin ni mais boy.

Grabe nakakadalawa na siya sa'kin ah!

Mabilis akong tumayo at mabilis ko siyang sinugod. Napansin ko pa ang gulat na rumihestro sa mukha nito. Wala akong sinayang na segundo at pinatama ko na sa mukha niya ang kamao ko dahilan kung bakit nawalan ito ng balanse at mabilis itong bumagsak. Kinuha ko ang pagkakataong ito para paulanan siya ng sipa.

"Kulang pa 'yan!" sigaw ko.

Bw*sit nang gigigil ako! Anong karapatan niyang suntukin ako?! Wala siyang karapatang saktan ako!

Patuloy lang ako sa pagsipa sa katawan ni mais boy nang may bigla nalang humawak sa magkabilang balikat ko at inilayo sa katawan ni mais boy na mukhang nawalan ng malay.

Dahil sa inis ay sinipa ko ang humawak sa balikat ko at mabilis akong umikot paharap sa kanila at sabay ko silang sinuntok sa sikmura. Pababayaan ko na dapat silang mamilipit sa sakit ng matigilan ako.

Napansin ko na ang humawak sa magkabilang balikat ko ay ang dalawa pang kasamahan nila mais boy. Diba dapat 3 vs. 3 lang ito? Bakit nandito ang dalawang ito? Diba dapat nasa labas sila ng ring at nakaupo lang sa upuan habang nanunuod sa tatlong kasama nilang nakikipag laban sa'min dito sa loob. Bakit nakisali pa silang dalawa dito?

Napatingin ako sa kinauupuan nila Kio na malapit lang banda dito sa ring at nakita kong prenting naka upo lang sa upuan silang dalawa ni Woazxi at interesadong nakatingin sa gawi namin. Ang apat na natira naman ay nakakunot lang ang nuo habang nakatingin sa gawi ko.

Sa di kalayuan ay may napansin akong pamilyar na mukha. Ngunit dahil sa madilim na paligid ay di ko masyadong makita ang kabuoan ng mukha nito. 

"Hindi namin kayang makita ang mga kasamahan namin na pinaglalaruan n'yo lang!" malakas na sigaw nung may spike na buhok kaya nawala ang atensyon ko sa taong may pamilyar na mukha. Napansin kong pinipilit nitong tumayo mula sa pagkakaluhod habang nakahawak ang isang kamay sa sikmura nito.

Bigla akong naalarma nang tuluyan na nga itong makatayo kasabay ng pagtayo rin ni kalbo.

Naka isip ako ng paraan para mapadali ko silang mapatumba. Ayoko pa naman gawin ito pero kailangan.

I neck strike them both.

Dahilan kung bakit magkasunod silang bumagsak at nawalan ng malay. Kasabay ng pagbagsak nila ay ang biglang pagtahimik sa paligid.

Nilingon ko ang gawi nila Rylan at Vhion at nakita kong tuluyan na ngang bumagsak ang mga kalaban nila ngunit di parehas ng tatlong nakalaban ko ay may mga malay pa ang kalaban nilang dalawa.

"Hep! Hep! Hep!" nakarinig ako ng palakpak kaya nabaling ang atensyon ko doon. Nakita kong pumasok sa loob ng ring ang host.

"What a wonderful performance by the new member of Royal Sparrow!"

New member ng Royal Sparrow? Kailan pa ko naging member nila?

"So, lets interview the new member!" napansin kong papalapit ang ito sa kinatatayuan ko.

"Congratulations to Royal Sparrow for entering the top ten again this year in Fight for the Crown!"

Top 10 again?

So, isa sila sa naging top 10 last year.

Ngayon lang ako nakapasok dito sa loob ng Crowned King Arena. Crowned King Arena o C.K.A. ang pangalan ng lugar na ito.

Ito yung naririnig ko dating may battle ground ang mga Crowned King sa loob ng kweba. Dati di ko lang ito binigyang pansin dahil di naman ako interesado noon.

Tinawag itong Crowned King dahil labanan lang ito ng Hari sa Hari kaya ang pinagtataka ko ay bakit may three versus three ang nangyaring labanan ngayon. Ang pagkakaalam ko sa isang grupo o gang ay may isang hari lang kaya dapat one versus one ang laban, katulad nung nanyari kanina kung saan nag laban yung hari ng Chasers at Black Ninja. Pero bakit nung pagdating namin ay biglang naiba. Imbes na one versus one naging three versus three.

Di ko na alam kung naiba ba talaga ito o sadyang ganito na talaga ang nangyayari dati pa.

"Anong masasabi mo sa makakalaban ng King n'yo sa susunod na labang magaganap bukas ng gabi?"

Anong pinagsasabi nito?

Di ko alam kung sino ang King na sinasabi niya dahil una sa lahat ay di pa ako sigurado kung sino ba talaga ang tinatawag nilang King of Royal Sparrow. Pero may hula na ako kung sino, pwedeng si Kio, Woazxi, o di kaya naman ay si Rylan.

"Can I just answer that question for her?"

Bigla akong napalingon sa tumabi sa'kin at bumungad sa harapan ko ang gwapong mukha ni Rylan. Kahit naka mask siya ay halata mo paring gwapo.

Hulog talaga siya ng langit. Hehe.

"For the upcoming fight, we won't lose this time." maikling sagot nito at tumango sa host sabay hawak nito sa magkabilang balikat ko at iginiya ako palabas ng ring.

Habang papalapit kami sa kinauupuan ng mga kasama kung pumunta rito ay napansin kong nakatingin sa balikat ko kung saan nakahawak si Rylan ang mata ni Kio at Woazxi. Nakakunot ang nuo ni Woaxzi samantalang nakataas naman ang isang kilay ni Kio na may nanunuyang tingin.

Ano bang problema ng dalawang 'to?!

–––––







Who's Nelia?Where stories live. Discover now