Kabanata 1

34 3 0
                                    

Kabanata 1

Nelia's POV

"Ikaw 'yon!" sigaw n'ya sakin habang nanglalaki ang mga mata.

"A-Anong ako po? Hindi ko po alam ang sinasabi n'yo! Oyy lola wag naman kayong ganyan! Hindi ako magnanakaw lola! Kung sino man iyang tinutukoy mo hindi po ako 'yon! Baka kamukha ko lang po. I'm innocent po! Kahit na may nakita akong bakat short ni kuyang pogi kanina hindi ako tumingin dun! Promise di talaga ako tumingin kahit na unti-unting lumalaki yung bakat ni kuya habang tumatagal! Hindi talaga ako tumingin kase tinitigan ko lang!" natataranta kong pag papaliwanag.

Nakanga-nga s'yang nakatitig sakin bago ito napailing-iling at bumuntong hininga.

"Ehem, maaari mo ba akong ihatid sa'min?"

"S-Saan po ba ang bahay nyo?" kinakabahan na ako dito ah. Baka mamaya hindi pala n'ya bahay yung paghahatiran ko sa kanya at nag dadahilan lang s'ya na ihatid ko siya sa bahay niya pero presinto pala talaga yung paghahatiran ko sa kanya at doon na n'ya ako ipapakulong! My gosh wag naman po!

"D'yan lang oh." ininguso niya ang magandang mansyon na nasa harapan namin. Kailangan pang tumawid sa kalsada bago makarating sa harapan ng gate ng mansyon. Ang lapit lang pala ng bahay nya tapos mag papahatid pa sya sakin?

Kunot noo kong tinignan ang mansyon at si lolang tinulungan ko. Siya ba may ari ng mansyon na 'yan?

"D'yan po kayo nakatira?" paninigurado ko dahil baka set-up lang pala 'to. Baka pag pasok ko sa bahay na 'yan sabihin nyang trespassing ako tapos ayon sa kulungan ang diretsyo ko!

"Diyan nga iha, maaari mo ba akong ihatid?" ngumiti s'ya sakin ng matamis na nakapag-pagaan naman ng loob ko. Mukhang mabait naman sya e, at mukhang galing pa sa sinaunang panahon kung makapag-salita. Ang lalim pare.

Tumango lang ako at inalalayan syang maglakad patawid sa kalsada, mabuti nalang talaga wala masyadong dumadaang sasakyan sa lugar na'to.

"Sige po lola, aalis na po ako." paalam ko rito ng makapasok sya sa malaking gate na kulay pink.

Akmang maglalakad na ako paalis ng bigla nalang niya kong tawagin.

"Hija! Pwede mo ba akong ihatid sa loob ng bahay? Nahihirap kase talaga ako maglakad ng walang umaalalay saakin e."

Nag-aalinlangan akong tumango sa kanya at inalalayan ko ulit ito sa paglalakad. Hindi ako pwedeng magtagal rito baka nag aalala na sakin sila inay at itay sa bahay. Pero okay lang sasabihin ko nalang na tinulungan ko si lola––ano nga palang pangalan nya?

"Ano nga po pala ang pangalan nyo, lola?" tanong ko habang dahan-dahan kaming naglalakad papunta sa malaking pintuan ng mansyon. Ang taray ng lola nyo nakatira sa mansyon!

"Rakeah Solendez, pero tawagin mo nalang akong lola Keah."

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang ako sa pag-alalay sa kanya hanggang sa makarating kami sa malaking pintuan ng mansyon. Automatic na bumukas ang dalawang malaking pinto nito kaya pumasok na kaming dalawa sa loob. Napanganga nalang ako dahil ang laki pala talaga ng mansyong ito! Namamanghang inilibot ko ang paningin ko sa loob ng mansyon. Grabe parang nasa kaharian ako ah! Oh aking prinsipe nasaan kana? Ako ito ang iyong prin––

"Ehem!" natigilan ako ng may bigla nalang tumikhim ng malakas.

Pag lalaki 'tumikHIM' tapos pag babae 'tumikHER'. Utak ko may ugat.

Nilingon ko si lola Keah sa pag aakalang sya ang tumikhim ngunit nakangiti lang sya habang nakatingin sakin o sa likuran ko? Di ko alam kong sakin ba sya naka tingin o may tao sa likuran ko at doon sya nakatingin, kung sakin man sya nakatingin ay duling yata 'tong si lola Keah kase mukha talaga syang nakatingin sa may likuran ko.

Who's Nelia?Where stories live. Discover now