Kabanata 4

16 1 0
                                    

Kabanata 4

Rylan's POV

Namimilipit sa sakit na naglakad si Kio pabalik dito sa van.

"Oh, anyari sayo?" nang aasar na tanong ni Deon sa sakanya.

Napailing-iling nalang ako habang pinapaandar ang makina.

"Tara na nga Rylan!"

"Opo, mahal na hari." nagsimula na akong magmaneho ng mabagal. Mamaya bibilisan ko 'to tapos ibabangga.

"Sabi naman kase sayo na hindi tatalab sa kanya yan." ani Fitz.

"Hoy! Fitz sa pagkakaalala ko wala kang sinabi na ganyan ah!" sagot naman ni Vhion saka pinalo ng malakas ang braso ni Fitz.

Here we go again...

"Wag ka ngang pa epal dyan! Makisakay ka nalang!" inis na ani naman nitong isa.

"Ako! Sasakay?! Pa'no ako sasakay dyan? Bakit may gulong ba yan huh?! Ha!" dinuro-duro pa nito ang kapatid.

"Bobo ka ba! Edi lagyan mo ng gulong." pilosopong ani naman nitong isa.

"At paano naman ha!" tumingun ako sa rear-view mirror para tignan kung nagpapatayan na ba ang magkapatid. Hawak ni Vhion ang kwelyo ni Fitz at nilapit-lapit pa ang mukha rito.

"Bili ka gulong. Bwesit ka! Lumayo ka sakin ang baho ng hininga mo!" pinalo-palo pa nito ang mukha ni Vhion. Itong isa naman ay di nagpapatalo kaya ayon nag papaluan ng mukha ang dalawang bata.

"Tumigil nga kayong dalawa! Pag uumpugin ko ulo n'yo!" naiinis na sigaw ni Kio ng matamaan siya.

"Aling ulo ba?! Yung nasa taas o yung nasa baba?" mag kasabay na tanong ng dalawa.

"G*go."

Nelia's POV

"Naubos rin sa wakas!" pinunasan ko ng bimpo ang mukha kong pawis na pawis.

Alas dyes palang ay ubos na ang paninda ko kaya nagmamadali akong lumabas ng palengke para maka uwi na agad sa bahay at makapag-pahinga.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa ilang hakbang nalang makakarating na ako sa bahay ng bigla nalang akong napatigil ng may humintong itim na van sa harap ng mismong bahay namin.

Nakakunot ang nuong nilapitan ko ito. May lumabas ritong dalawang lalaki na nagpahinto na naman sakin sa paglapit. Ang nauunang maglakad na lalaki ay kilalang-kilala ko, ang nakasunod naman ay isa sa mga bodyguard nito.

"Tao po!"

Mabilis akong tumakbo palapit sa kanila. Mahirap na baka makita pa ito ni nanay.

"Anong kailangan n'yo?" matigas kong tanong.

"Oh Nelia, ikaw pala yan." umakto pa itong gulat na gulat na syang nagpainit ng ulo ko.

"Bakit ka nandito?"

"Ikaw sa tingin mo, bakit nga ba ako nandito."

'Aba malay ko sayo kaya nga tinatanong kita diba.' Sagot ko sa isip ko.

"Pag usapan nalang natin yan mamaya. Sa ngayon ay bigyan nyo muna ako ng ilang minuto para mag-ayos at pwede ba umalis kayo sa tapat ng bahay namin." mahina at inis kong ani dahil baka marinig ako nila nanay sa loob.

Ngumisi ito bago tumango. "10 minutes at kapag wala ka pa ay alam mo na ang mangyayari. Hihintayin ka namin doon sa kabilang kanto."

Sakto namang bumukas ang pinto ng bahay ay naka-alis na ang van sa tapat ng bahay namin.

"Ikaw pala 'yan anak. Nakita mo ba kung sino yung kumatok dito kanina? Di ko nabuksan agad dahil menasahe ko pa muna ang tatay mo." nag mano muna ako sakanya bago tumango ng alanganin.

"A-Ah wala iyon 'nay, nag tanong lang sila kung saan ba yung bahay ni aling Epang."

"Ganon ba. Tara na anak kain na tayo!" masiglang wika niya't hinila ako papuntang kusina.

"H-Hindi na po inay! Busog pa po ako e, tyaka may pupuntahan pa po ako nay."

"Alam mo Nelia, nag luto ako ng adobo! Di ba paborito mo yun."

"Pero 'nay may importante pa akong pupuntahan."

"Sige, ingat ka." nanghihinayang ang mukha niyang binitawan ang kamay ko, at iniwan akong nakatayo dito sa sala.

Hay nako, mahihirapan akong suyuin ito. Pero dibali nalang para rin naman sakanilang dalawa ni tatay itong ginagawa ko.

Pumasok nalang ako sa kwarto at nag bihis ng itim na vnick tshirt, itim na pantalon, itim na rubber shoes. Itim lahat. Ang lakas ngang maka-lady in black itong suot ko e.

Bago lumabas sa kwarto ay sinukbit ko muna sa isang balikat ang itim na backbag.

"Aalis na ako 'nay! 'Tay!" sigaw ko ng makalapit sa pintuan palaba. Di na ko magpapaalam sa mismong harapan nila dahil alam kong nagtatampo parin si nanay sakin at di ako papansinin nun.

BINUKSAN ko ka-agad ang pinto ng itim na  van pagkalapit ko dito.

"Nandyan na sya boss." tawag atension nung driver sa boss nitong natutulog.

"Sino?" naguguluhan pa nitong tanong bago napatingin sakin.

Natulog lang nag ka amnesia na. Nagliwanag ang mukha nito ng makita ako.

"Nandito kana pala."

'Hindi, wala pa ako dito nasa bahay pa 'ko' sagot ko ulit sa isip ko.

"Ano bang kailangan mo?" agad kong tanong dito ayoko ng magpaligoy-ligoy pa.
Magkatabi kami dito sa backseat. Habang nasa passenger seat naman ang body guard nya at yung isa ay nasa driver seat. Bali apat kami dito sa loob.

"Masyado ka yatang nag mamadali Nelia."

Sinamaan ko lang sya ng tingin.

"May mga ipapakilala ako sayo mamaya."

"At sino naman iyan?"

"Sabihin nalang natin na, ang mga ipapakilala ko sayo mamaya ay ang makakalaban mo dapat sa susunod na buwan pero hindi natuloy dahil ang sabi nila ay ayaw ka nilang makalaban dahil nga sa babae ka, at magiging unfair iyon kung marami sila kontra lang sa isang babaeng katulad mo."

"Sabihin mo takot lang talaga sila sakin."

"Pero ito may pabor silang hinihingi sa'tin."

'Oh tapos? Paki-hanap ng paki ko.'

"Alam mo naman ang dahilan kung bakit kita pinasok sa gulong ito diba. Ang dahilan kung bakit pinasok kita dito at ang dahilan kung bakit pumasok din sila sa gulong pinasok natin ay iisa lang." pagpapaliwanag pa nito na hindi ko naman naintindihan.

"Para magkaruon ng maraming pera."

"Bukod dyan!"

"Para makapaghiganti."

"Tama ka dyan!"

Hindi na ako sumagot at tumingin nalang sa dinaraanan ng sinasakyan namin.

"Btw kumusta naman pala ang pagtitinda mo sa palengke? Balita ko may mag-ina kang palaging nakakaaway doon ah."

"Ayos lang naman. Matutulog lang muna ako. Pagising nalang ako pag malapit na tayo."

Ang totoo n'yan ay iniiwasan ko lang talagang mapag-usapan ang mag-ina na iyon dahil kumukulo lang ang dugo ko. Dapat nasapak ko na yun kanina e kung di lang talaga humarang ang Kio na iyon! Mga bwesit sila!

Nang gigigil kong pinikit ang mga mata ko para maalis ang inis sa mag ina at kay Kio.

Pakio ka Kio!

–––––

Who's Nelia?Where stories live. Discover now