Kabanata 11

6 1 0
                                    

Kabanata 11

Nelia's POV

'Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko't bigla ko nalang nilingon si Kio na katabi ko sa bandang kanan. Nakatingin lang ito sa bintana na para bang may malalim na iniisip. Ang sunod ko namang nilingon ay si Woazxi na nasa bandang kaliwa ko nakatingin sakin...

Anong problema nito?

Kung kanina ako ang nahuli niyang nakatingin sa kan'ya ngayon baliktad naman dahil siya na ngayon ang nahuli kong nakatingin sa'kin.

Nakipag titigan ako sa rito ngunit kahit anong klase ng titig ko rito ay hindi siya umiiwas ng tingin kaya imbes na siya ang makaramdam ng hiya dahil sa nahuli ko siyang nakatingin sa'kin ay ako na ang naunang nag iwas ng tingin. Manhid yata ang isang ito at hindi man lang nakaramdam ng hiya.

Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa harapan kung saan ay nakita ko ang mukha ni Rylan mula sa salamin dito sa loob ng sasakyan ay seryoso lang itong nakatingin sa daan. Nakakatakot tuloy siyang kausapin dahil para bang pag kinausap mo siya ay parang nilalagay mo lang sa piligro ang buhay mo.

Ang sunod kong binalingan ng pansin ay ang dinaraanan namin. Puro kakahuyan ang nakikita ko sa labas. 'Di ko na nga alam kung saang lupalop na kami ng pilipinas ngayon eh.

"We're here."

Napabalik ang tingin ko kay Rylan ng bigla nalang itong mag salita. Sakto namang pag tingin ko sakan'ya gamit ang salamin dito sa loob ay nakatingin rin pala siya ngayon sa'kin kaya napaiwas agad ako ng tingin.

Ba't ba ang hilig nilang manitig dito? Ako yung kinakabahan pag tinititigan nila ako eh. Para kasing may binabalak silang gawin.

Iniling ko nalang ang ulo ko dahil nag o-overthink na naman ako. Hay nako.

Tinuon ko nalang ang pansin ko sa paligid, naunang lumabas si Kio sa sasakyan at kahit nag dadalawang isip akong sumunod sa kan'ya ay sumunod nalang ako dahil ramdam ko parin na nakatingin sa'kin si Rylan.


Nang makalabas ako ay nag tataka akong napatingin sa paligid dahil puro puno lang talaga itong nakikita ko ngayon. Kung di ako nag kakamali ay isa itong gubat.

"Mauna na kayo. I papark ko lang 'tong sasakyan. Susunod nalang ako sainyo." narinig kong paalam ni Rylan bago pinaandar ang sasakyan papunta sa di ko alam kung saan.

"Tara na." seryosong pag-aya ni Yazce.

Tumango lang ang iba sa sinabi niya bago nag lakad papasok gubat.

"Ano 'to? Nasa'n tayo ngayon?" tanong ko nanatili paring nakatayo.


"Nasa Mars." pilosopong sagot ni Deon.

Umakma akong babatukan siya kaya lang ay bigla siyang lumayo sakin at nag peace sign.

"Biro lang, ito naman masyadong seryoso. Sumunod ka nalang sa'min at malalaman mo kung nas'an tayo."

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod naang sakanila.

Mga sampong minuto rin ang nilakad namin nang huminto sila sa paglalakad kaya napatigil ako.

Nasa harapan kami ngayon ng isang kweba.

Mag ti-treasure hunting ba kami? Mag hahanap ba kami ng gold bar na naiwan ng mga kastila noon dito sa pilipinas?

Who's Nelia?Where stories live. Discover now