Kabanata 10

3 1 0
                                    

Kabanata 10

Nelia's POV

Mag iisang oras na ang nakakalipas mula nang iniwan nila ako dito, hanggang ngayon ay wala parin ni isa sa mag pipinsan ang bumalik dito sa tinatawag nilang basement. Si Kio at Woazxi ay napasarap yata ang pag uusap dahil hanggang ngayon ay di parin sila nakakabalik dito. Si Deon naman mukhang kinain na ng arinola at yung iba naman na may sinundan sa labas mukhang hanggang ngayon di parin sila tapos sa pag sunod sa mga ito.

"Ano bang nangyari sakanila at di na sila nakabalik pa rito sa loob?" tanong ko sa sarili ko. Wala akong paki kung mag mukha man akong baliw dito dahil kinakausap ko sarili ko.

Nilibot ko ang paningin sa loob at tanging isang maliit na bombilya lang ang nag bibigay ng liwanag dito sa loob kaya di ko masyadong makita ang mga kagamitan kung meron man ang kwartong ito. Ang alam ko lang ay may dalawang pinto ang kwartong ito ang isa ay yung cr na pinanggalingan ni Rylan kanina at yung isa naman ay ang pinto palabas sa kwartong ito.

Nang di ko na matiis ang pag-kakainip ay tumayo na ako sa sofang kinauupuan ko at naglakad sa malapit na pinto. Kung di ako nagkakamali ay ito yung nilabasan nilang magpipinsan.

Nang makalapit ako dito ay pinihit ko na ang doorknob at nagulat ako sa tumambad sa'king harapan. Ibang-iba ito sa basement na nasa bahay namin dahil ang nakikita ko ngayon ay parang isa na itong buong bahay. Para itong condo.

Ang laki ng lugar na'to.

May nakita akong malaking flat screen tv na nakadikit sa dingding at ang katapat nito ay isang C shape sofa at sa gitna nito ay may isang transparent glass square table. Sa di kalayuan naman nito ay isang countertable at may naka paligid ditong kagamitang pang luto. Marami pang kagamitan dito na makikita mong parte ng isang bahay.

Parang condo ang itsura nito, ngunit mas malaki ang lugar na ito kumpara sa isang condo. Sa dulong bahagi ay may nakita akong parang isang elevator.

Wow, yayamanin may pa elevator ang basement nila papuntang ground floor. Mukhang ito ang ginamit ng magpipinsan palabas dito.

Wala akong nakitang ni anino ng kung sino man dito sa loob kaya mukhang wala sila dito sa basement. Akmang maglalakad na ako papunta doon sa elevator ng bigla nalang may mahagip ang paningin ko.

May nakita akong isa pang kwarto katabi ng pinanggalingan ko. So they have two rooms here. I wonder kung anong itsura ng katabing silid.

"Malapitan nga, baka mamaya naroon lang pala sila sa katabing silid."

Unti-unti akong naglakad palapit dito ngunit bigla akong napatigil ng bigla akong makarinig ng tunog ng isang pagbukas. Kung di ako nagkakamali ay 'yon ang tunog pag bumukas ang isang elevator. Alam ko ang tunog nito dahil minsan narin akong nakasakay ng elevator sa mall na napupuntahan ko.

Kung tunog iyon ng pagbukas ng elevator ibig sabihin...

Nanlalaking napatingin ako sa elevator at bumungad sakin ang walong lalaki.

Nakita kong napatingin sakin si Vhion at kumaway pa ito sa'kin at nagmamadaling lumapit. Sumunod naman rito ang iba.

"Sorry for making you wait here. I know that you're already bored––I mean you're really bored because you came out at the room where we left you." paumanhin ni Rylan na may kasamang pagnunumbat.

Who's Nelia?Where stories live. Discover now