Kabanata 14

12 1 0
                                    

Kabanata 14

Nelia's POV

Madaling araw na akong nakarating sa bahay dahil hating gabi na mula nung umalis kami sa Crowed King Arena o C.K.A. at hinatid narin ako pauwi ng Royal Sparrow sa bahay. Pag katapos nang laban naming tatlo sa ring ay nagyaya agad si Kio umuwi kaya ayon hinatid muna nila ako sa bahay bago sila umuwi sa kanya-kanya nilang bahay.

Madaling araw na nung kumatok ako sa bahay namin at si Inay ang nag bukas nito, medyo nagulat pa nga ako dahil hindi man lang siya nagtanong kung saan ako galing at kung bakit hindi ako nakauwi kanina––kahapon pala ng tanghali. Pinagsawalang bahala ko nalang ito bagkos ay dumiritso ako sa maliit kong silid at may dinukot sa ilalim ng kama ko na isang folder.

Binigay sa'kin ito ni Boosan nung panahong pababa na sana ako sa sasakyan niya pagkatapos nung personal niya akong pinakilala sa magpipinsan. Umupo ako sa kama at binuksan ko ang maliit na ilaw at tyaka nag simulang basahin ang nakapaloob sa folder.

Solendez cousins

•Vhion Draven Solendez-Hayloir
  -25 years old

•Fitzei Haunex Solendez-Hayloir
  -24 years old

•Xavier Deon Solendez
  -23 years old

•Wayne Django Solendez-Kanlen
  -25 years old

•Yazce Stefaun Solendez-Leighton
  -23 years old

•Rylan Clenton Solendez
  -24 years old

•Kio Rouscho Solendez
  -23 years old

•Zyros Woazxi Solendez
  -24 years old

Picture, buong pangalan at edad lang ang nakalagay na datos ng magpipinsan. Na Solendez pala ang apilyedo. Nang mabasa ko ang Solendez ay si lola Keah agad ang pumasok sa isip ko, dahil nung nagpakilala siya sa'kin nung birthday niya ay siya raw si Keah Solendez.

So di ko pa talaga kilala kung sino ang walo na 'yon. Kahit si Boosan ay kunti lang ang nakalap na impormasyon tungkol sa kanila. Isa palang ang nalaman ko sa kanilang walo at yun ay tinatawag silang Royal Sparrow sa C.K.A.

Ibinalik ko sa ilalim ng kama ang folder bago humiga para makapagpahinga na.

KINABUKASAN ay agad akong napabalikwas ng bangon nang tumama na ang sikat ng araw sa mukha ko kaya mabilis akong nag ayos at tinungo ko agad ang pwesto ng pinaglalagyan ko ng basket na may lamang mga gulay. Napakunot ang nuo ko nang makitang walang basket doon.

Nas'an na 'yon?

Sa pagkakaalala ko...

Kahapon dala ko pa 'yon palabas ng palengke tapos habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada may bigla nalang nagtakip ng ilong ko at doon ako nawalan ng malay. Sila Kio ang dumukot sa'kin kahapon. Kaya 'di ako sigurado kung kinuha ba nila yung bitbit na basket ko or iniwan lang nila iyon sa tabi ng kalsada nang mabitawan ko iyon nung nawalan ako ng malay.

Hindi ko malalaman kung dinala ba nila o inawan lang doon kung hindi ko ito titignan kaya naman lumabas na ako ng kwarto. Kumunot ang nuo ko ng makitang nasa hapagkainan sina Inay at Itay habang kumakain.

"Oh, anak gising kana pala. Halika rito at sabayan mo kami ng iyong ama na mag agahan."

Sandali. Anong oras na ba?

Napatingin ako sa gilid ng dingding kung saan nakasabit ang inaalikabok na naming orasan at biglang nanlaki ang mata ko nang makitang alas dyes na ng umaga!

"Inay! Itay! Alas dyes na ng umaga at ngayon lang kayo nag umagahan?" nanlalaking matang tanong ko.

Bakit ngayon lang sila nag umagahan edi nalipasan sila ng gutom.

"Anak kakagising lang din kase ng tatay mo kaya ngayon lang kami nakapag agahan." mahinahong sagot ni inay.

Lalong kumunot ang nuo ko nang maisip na sa pagkakaalala ko alas otso palang ay tulog na si itay at alas singko ng umaga silang dalawa nagigising ni inay. Kahit nagtataka ay pinagsawalang bahala ko nalang ito bago nakisalo sa hapagkain.

NANDITO na ako ngayon sa gilid ng kalsada kung saan ako dinukot at nawalan ng malay.

Kanina pa ako patingin-tingin sa pagilid ngunit wala talaga akong basket na nakita.

Ang pagkakaalala ko nabitawan ko 'yon nung nawalan ako ng malay.

"Ito ba ang hinahanap mo?"

Ayy booset!

Muntik na akong mapamura sa gulat nang may bigla nalang nagsalita mula sa likuran ko. Sisinghalan ko na sana ito ngunit natigilan ako nang makita ang hawak nito.

"Bakit nasa'yo 'yan?"

"Ito ba? Nakita ko lang 'to dito kaya pinulot ko." itinaas pa nito ang hawak niyang basket.

"Alam mo bang sa'kin 'yan."

"Sayo nga 'to pero bakit mo iniwan dito?" nang iinis itong tumingin sa'kin.

Booset! Beeset talaga kahit kaylan itong Kiolangut na'to!

"Naiwan ko nga kase. Baka nakakalimutan mo na kayo ang dahilan kung bakit naiwan ko 'yan dito! Kaya ibalik mo sa'kin 'yan." sinubukan kong agawin ito mula sa pagkakahawak niya ngunit inilayo lang niya ito sa'kin.

"Hindi mo 'to makukuha hanggat hindi mo sinasabi sa'kin kung bakit kailangan mo pang magpanggap."

Nanayo ang balahibo ko nang bigla nitong binulong sa tainga ko ang hulang salitang binigkas nito.

N-Nalaman na ba niya kung ano ang tinatago ko?

Nalaman ba niya na ako sa Wolfia?

Ngunit paano? Kanino niya nalaman iyon? Kay Boosan? Sakan'ya niya ba nalaman? Ngunit hindi iyon magagawa ni Boosan. Kaya sino? Sino ang nagsabi sakan'ya?

Napatigil ako sa pagiisip nang bigla nalang itong humalakhak na parang isang baliw. 'Yung totoo nasisiraan naba ng bait ang isang 'to? Grabe kung tumawa parang wala ng bukas eh.

"You–haha–should look your face at the mirror. Hahaha! Look at your face! Mukha kang batang nahuli sa akto ng magulang na nangungupit ng pera mula sa wallet nila! Guilty lang. Hahahaha" tuloy parin ang pagtawa nito at napapahawak na siya sa tiyan niya.

Pwee! Mukha kamo siyang nasiraan ng bait!

"So I guess, ibibigay ko nalang to sa'yo. It's a trash anyway." inilapag nito sa sementong kalsada ang basket na kanina ko pa hinahanap bago ito naka pamulsang tumalikod at naglakad paalis habang tumatawa parin.

Whutt?!

Anong trash?! Kung alam niya lang na itong basket na'to, dito ako kumikita para sa pangkain naming pamilya at dito ko rin kinukuha ang pambili ng gamot ni itay.

Ito kaya ang source of income ko! Kaya wag niyang masabi-sabi na basura ito!

Pag nagkita talaga kami ulit, humanda siya sakin!

Mararamdaman niya kung pa'no magalit ang isang inaapi! Char. Haha.

–––––

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Who's Nelia?Where stories live. Discover now