14: Surprise Quiz

262K 4.6K 431
                                    

First subject kanina, may surprise short quiz agad! Pinapakuha kami ng one-fourth sheet of paper kaya inilabas ko 'yung intermediate pad ko at pumunit ng isang papel para hatiin sa apat.

Hiningi ni Melanie 'yung isang kapunit so binigay ko na lang. Pero mantakin mong 'yung iba pa naming mga que horror na kaklase na nilalayuan ako, nagsilapitan saakin para manghingi rin ng papel! Sa pagkakaalam ko, nasa second week pa lang kami ng pasukan pero bakit wala na silang mga papel? Mahihirap o sadyang tamad magdala?

Pero ito 'yung matindi dyan. May kaklase akong late, si Deane Carrasco. Siya rin 'yung hinayupak na namamakyaw ng potato chips para lang ipamigay sa kung sinu-sino. Anak ng putspa talaga! May pam-pakyaw siya ng potato chips pero walang papel!

Matatanggap ko naman kung lumapit siya saakin at maayos na nanghingi ng papel. Pero kusa na lang niyang kinuha 'yung natitirang one-fourth na hawak ko sabay sabing, 'Thanks' tapos nginitian niya ako at mahinang tinapik sa balikat.

Nagtaka naman ako dahil pagkatapos 'nun, bigla akong binulungan ni Melaine. "Ayiiieh! Dalaga na si Stacey! Luma-lovelife!"

Amputek to the highest level!!! Sa sobrang inis ko, nalukot ko tuloy 'yung natitirang kalahating pad na meron ako. Hindi ko pa narinig 'yung first two questions na sinabi ni ma'am. Huhuhuhu!!!

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Where stories live. Discover now