47: Cute

176K 3.4K 161
                                    


Gusto ko nang busalan ang bibig ni Deane. Ayaw na niyang tigilan ang pagtawag saakin ng Yecats. Bwiset na 'yan! Ganun ang gamit ko sa FB dahil ayaw ko na i-add ako ng kung sinu-sino lalo na ang mga taga-school namin.

Pero 'yun nga. Balik tayo sa hinaing ko. Itatago naman daw niyang sekreto sa buong school namin ang gamit ko sa FB. Pero sa ayaw ko man o sa hindi, Yecats lang ang itatawag niya saakin lalo na kapag kaming dalawa lang.

"Ang cute kaya ng Yecats," sabi niya. "Weird pero cute pa rin."

Sa tanang high school life ko, ngayon lang may nagsabi na cute ako—I mean, 'yung naisip kong pangalan. Putek.


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Where stories live. Discover now