29: Mel!!!

195K 3.7K 238
                                    


Nasubsob ako kanina sa hallway. I swear, hindi 'yun dahil sa kalampahan ko. May tumulak saakin at nang lingunin ko, nakita ko ang ilan sa mga kaklase ko na alam kong ka-close rin ni Amanda. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang may gawa 'nun. Ang masaklap pa, may iniinom akong jungle juice noon at natapon tuloy ang laman. Nabasa rin ng bahagya ang uniform ko.

Bumangon na ako at hindi na lang sana sila papatulan. Pero sunud-sunod silang naglakad at sadya pa talagang binangga ako sabay sabing, "Ay sorry. Paharang-harang ka kasi."

Sobrang immature. 'Di pa nakuntento ang isa sa kanila at hinarap na talaga ako na may kasamang tingin mula ulo hanggang paa, "Mang-aagaw!"

Kung kasama ko siguro si Mel, hindi mangyayari ito. Alam kong ipagtatanggol ako 'nun eh. Siya lang naman kakampi ko. Pero absent na naman kasi siya. Four days na! Kailan kaya ulit siya papasok? Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang lahat ng nangyayari ngayon. Nalulungkot ako. Sobrang miss na miss ko na rin.


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon