158: Nakaka...

142K 2.6K 413
                                    


Dumaan ako sa library kanina para ibalik ang mga librong hiniram ko. Pagdating doon, nakita kong mag-isang nag-aaral si Liam. Natuwa ako dahil sa totoo lang, ang tagal ko na siyang gustong makausap pero nitong mga nakaraang araw, ang hirap niyang hanapin.

Matapos kong magsaoli ng mga libro, agad ko nang nilapitan si Liam. Naupo ako sa may kaharap na upuan at nabigla naman siya nang malamang ako pala 'yun.

AKO: Hi!

LIAM: (Matagal na tumitig muna sa akin bago ngumiti) Hello. (Saka tumingin sa paligid) Ikaw lang mag-isa?

AKO: (Tumango) Nasa cafeteria sila. Nagsaoli lang ako ng libro.

Sandali kaming natahimik dahil hindi rin naman talaga pwedeng mag-ingay sa library. Pero noong makaramdam si Liam na parang may gusto pa akong sabihin sa kanya, siya na mismo ang nag-ayang umalis na sa lugar na iyon.

Nang sabay na kaming maglakad, doon ko na rin sinimulan ang gusto kong pag-usapan namin.

AKO: Hinahanap kita nitong mga nakaraang araw pero 'di kita makita. Akala ko nga absent ka o pinagtataguan mo lang ako.

LIAM: (Natawa) Bakit mo naman ako hinahanap?

AKO: Kasi hindi pa tayo nagkakausap ulit doon sa nangyari noong last day ng Foundation Week. Sorry dahil sa naudlot nating dinner. Tapos noong binalikan ka namin sa gym, wala ka na.

LIAM: (Natigil bigla sa paglalakad) Hindi mo kailangang mag-sorry. Ang totoo, ako pa nga may kasalanan sa'yo.

Nagtaka ako noong mga oras na 'yun sa kung ano ba ang ibig niyang sabihin. Tapos nagpaliwanag siya. At hindi man accurate itong maisusulat ko ngayon, parang ganito 'yung pagkakasabi niya.

"Naging selfish ako. Noong panahon na tingin ko nagkakalabuan na talaga kayo ni Deane, a part of me naging masaya. 'Yung intensyon ko noong sinamasamahan kita ay hindi lang para hindi ka mag-isa kundi para rin sa sarili ko. Gusto kong gamiting pagkakataon 'yun para maging mas close pa tayo. Gusto kong subukang pumorma ulit sayo sa pagbabaka sakaling sa akin mo naman ibaling ang atensyon mo. Ang sama ko para hilingin na sana, hindi na lang kayo magkaayos ni Deane. Pero noong makita na kitang pinapanood siya doon sa stage, nakita ko kung paano kumislap ang mga mata mo. Ang tagal kong sinasabi sa sarili ko na hindi kita susukuan pero noong time na 'yun, na-realize ko kung hanggang saan lang talaga ang lugar ko. Kaya humihingi ako ng tawad. Sorry sa naging asal ko."

Noong time na 'yun, nakayuko na lang si Liam at hindi na makatingin ng direcho sa akin. Para bang hiyang-hiya siya sa ginawa niya, hiyang-hiya siya sa akin... pero hindi naman dapat.

AKO: Liam, ano ka ba? Okay lang 'yun. Ang mahalaga lang sa akin, dinamayan mo ako sa mga oras na kailangan ko ng kasama. At isa pa... (Inabot ko ang kamay niya) Wala akong karapatan na magalit sa isang taong kasing bait mo. Ang swerte ko nga dahil nandyan ka. At kaya nga matagal na rin kitang itinuturing na boy friend ko.

LIAM: Bo—boyfriend?

AKO: May space 'yun, Liam. Boy space friend. Lalaking kaibigan.

'Yung seryoso at half-depressed look niya kanina, sa wakas ay napalitan din ng pagtawa. Natawa naman din ako at para talaga malaman niyang ayos kami, binigyan ko siya ng friendly hug.

LIAM: Sa susunod naman Stace, 'wag mo nang gagamitin 'yung 'boy friend' term ha. Masyadong paasa.

AKO: (Natawa) Okay friend. Pero bati tayo ah.

LIAM: Salamat, Stace.

AKO: Salamat din.

Matapos naming magyakap, nagkatingin ulit kami at nagngitian. Tapos tumuloy na siya sa room nila at ako naman ay bumaba na ulit pabalik sa cafeteria.

Laking gulat ko lang na pagdating ko sa may hagdanan, nandoon pala nag-aabang si Deane. Kalahati ng mukha niya, natatakpan ng kanyang buhok.

AKO: D—Deane?

DEANE: (Iniangat na nag tingin sa akin)

AKO: Anong ginagawa mo dyan? Kanina ka pa?

DEANE: (Malamya) Kanina pa.

AKO: Bakit 'di ka nagpakita?

Tumayo na siya at tumingin sa akin. Tapos tinanaw niya rin ang direksyon ni Liam ng ilang sandali at saka muling ibinalik ang tingin sa akin.

DEANE: Baka makaistorbo ako sa inyo eh. (At nauna nang maglakad)

AKO: (Sinabayan siya)

DEANE: (Tumigil ulit) Nag-propose ba siya sa'yo?

AKO: Hindi.

DEANE: Bakit kayo magkayakap?

AKO: May inayos lang kaming misunderstanding.

DEANE: Eh bakit ganun 'yung ngiti mo sa kanya?

AKO: Anong klaseng ngiti?

DEANE: 'Yung ngiti na dati ako lang ang nakakakita.

AKO: (Kumurap ng tatlong beses) Tulad nito? (Ngumiti sa harap niya)

DEANE: (Natulala. Napaatras. Napatakip sa kanyang bibig) A—ano sa tingin mong ginagawa mo, Yecats? Nagpapa-cute ka ba sa akin?

AKO: Pfft! Hindi ko akalaing effective pala. (Sabay tawa)

Ang totoo, 'yun lang kasi ang naisip kong paraan para mabago ang expression ng mukha niya. May feeling kasi ako na maaring nagselos siya nang makita niya kami ni Liam.

DEANE: Natatawa ka pa? Hindi na maganda 'tong nangyayari. Kahapon nag-propose sa'yo 'yung classmate mong si Eliseo. At hindi natin alam kung may iba pang magtatangka dyan. Tapos maabutan ko kayo ni Liam sa ganung eksena. Nakaka... nakaka... basta nakaka-ano!

AKO: Nakakaselos?

DEANE: Oo! (Sabay pisil sa pisngi ko) Don't get me wrong, masaya naman ako dahil nagiging friendly ka na. Pero naiinis rin ako dahil dumadami naman ang nagkakagusto sa'yo. Dumadami ang karibal ko! Nakakaselos... na nakakabagabag din.

AKO: (Gumanti rin ng pisil sa pisngi niya) Alam mo, gutom lang 'yan. Bumalik na tayo sa cafeteria at ililibre kita. (Saka ko siya hinawakan sa kamay at hinila na para maglakad) At 'wag kang mag-alala. Kahit dumami pa magkagusto sa akin, wala naman akong gusto sa kanila. Alam mo naman na kung bakit, 'di ba?

Sa sinabi kong 'yun, saka lang natauhan si Deane at natigil din sa pagmumukmok niya. 'Yung pagkakahawak naman ng mga kamay namin, mas hinigpitan pa niya. Nakaka... nakakatuwa naman ang araw na ito.


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon