87: Kaibigan VS Ka-Ibigan

152K 3.1K 319
                                    


Nakatambay kami ngayon sa isa sa mga benches na malapit sa gym. Halatang nagulat ang lahat sa biglaang paglaki at pag-ingay ng grupo namin. Paano ba naman, sa amin na talaga sumasama sina Ara, Mina at Rose. Ika nga nila, the more, the merrier.

Tuloy ang ligawan nina Kasper at Ara. Kahit medyo kinikilabutan pa rin ako sa ka-sweetan nila, masaya ako na pareho silang masaya. Kakaiba rin ang tambalang Mina at Rose. Kung may PDB an gang DeaPer noon, PDW naman ang sa kanila o Public Display of Womance.

KASPER & ARA: (Nagliligawan)

MINA & ROSE: (Halatang naiinggit)

MINA: Gusto ko na rin magka-lovelife!

ROSE: Ako rin! Iniinggit lang tayo ni Ara!

ARA: E 'di ba may nanliligaw naman sa inyo?

MINA: Ayaw kasi ni Rose kay Timothy ko eh!

ROSE: Hoy bruha! Ganun ka rin naman kay Brenan ko!

KASPER: Kaya pala wala kayong lovelife. Inaayawan niyo ang manliligaw ng isa't isa. What if kayong dalawa na lang?

ARA: Ay alam mo, sinabi ko na rin 'yan sa kanilang dalawa.

MINA & ROSE: Che!

MINA: 'Di bale nang walang lovelife! Kaibigan muna bago ka-ibigan! 'Di ba, bespren?

ROSE: Korek! Magkakaibigan ang tunay magkakampi sa mundong ibabaw! Aylabyu, bespren!

MINA: Aylabyu too!

MINA & ROSE: (Nag-apir tapos nag-kiss—sa lips)

KASPER: (Natulala) Naghalikan... sa... sa labi?

ARA: Gawain na nila 'yan. Masasanay ka rin.

MINA: Bakit Kasper? Inggit ka?

ROSE: Kiss mo na lang si Ara para masaya!

Habang magulo at nag-iingay sila, may sariling usapan naman kami ni Deane.

DEANE: Nakapagpaalam ka na ba kina tito at tita tungkol sa lakad natin bukas?

AKO: Oo.

DEANE: Yown! Susunduin kita ah!

AKO: (Tumango lang)

Magkausap man kami, hindi rin ako masyadong makatingin sa kanya. Pabalik-balik kasi ang kakaiba pa rin kabog sa dibdib ko. Kasama pang nag-iinit ulit ang mukha ko kaya medyo nahihilo rin ako.

DEANE: May napansin pala ako.

AKO: Ano 'yun?

DEANE: (Hinarap ako at tinitigan) Napansin ko nitong mga nakaraang araw...

AKO: A—ano?

DEANE: Hindi ka na madalas kumain ng potato chips.

AKO: Ahh... kasi, alam kong maiinggit ka.

DEANE: (Nag-glow ang mukha) Talaga?

AKO: Tsaka ayokong matulad sa 'yo. Ayokong magkasakit kaya binabawasan ko na rin ang pagkain ng maalat.

DEANE: (Biglang nawala ang glow sa mukha) Ganun? (Saka napahawak sa dibdib niya) Minsan masakit ka rin magsalita.

AKO: (Natawa)

DEANE: (Natawa na lang din)

Sana pala hindi na lang ako tumawa para hindi siya gumaya. Noong tumawa kasi siya, lalo pang lumala ang abnormalidad sa tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari kasi sa akin? Hindi naman siguro ako magkakasakit nito. 'Wag naman sana.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Where stories live. Discover now