108: Sumpa

136K 2.3K 149
                                    


Napag-isipan ko na ang mga nangyari kahapon. Ang sama-sama ng ginawa ko kay Liam.

Ako ang nagsabi na handa na akong makipagkilala sa kanya pero noong nagpakilala naman na siya, tinakbuhan ko lang! And worst, nagtago pa ako sa likod ng mga kaibigan ko dahil lang sa hindi ko siya kayang harapin!

Ano kaya ang karma sa ginawa ko? Malamang sa Monday, kaaway ko na naman ang buong school.

At bakit si Liam Torres pa kasi? Student assistant siya, 4th year Representative sa Student Council, palaging kasama sa top 10 ng buong batch namin at higit sa lahat, kaibigan siya ng lahat (pwera ako dati). Kung mabait si Deane, santo naman 'tong si Liam! Sa pagkakaalam ko nga, siya rin ang palaging pasimuno sa mga fundraising events para tumulong sa mga nangangailangan.

Kaya bakit ako ang nagustuhan niya? Malabo ba mata niya? Sadya bang kakaiba ang taste niya sa babae? O baka naman naawa lang talaga siya sa akin.

Oh journal! Hindi ko dapat pinoproblema 'to eh! Lovelife, 'wag na lang ako, please? Isa kang sumpa eh!

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon