114: Little Secret

133K 2.6K 441
                                    


CONTINUATION...

"Bakit walang pag-asa si Liam?" 'Yan ang tanong sa akin ni Deane.

Ang sagot ko dapat, "Dahil ayoko. Dahil sa 7B's. DAHIL HINDI PA AKO READY."

'Yun naman ang walang kamatayang sagot ko palagi. Maski ako, natutuliling na minsan sa sarili ko.

Pero nagbago ito simula nang bumagabag na siya sa isip ko. Nagbago ito nang pakabugin na niya ang puso ko. Nagbago ito nang magsimula na rin akong magtampo, magselos at masaktan. Nagbago ang lahat nang hindi ko namamalayan.

So let this be our little secret, journal. Wala namang point kung magdi-deny ako rito. Tingin ko, kaya wala talagang pag-asa si Liam ay dahil kay Deane. There's no doubt that I already I have feelings for him. I like Deane more than just a friend now.

Hay! Ang tagal kong pinaniwala ang sarili ko na hindi ko mararamdaman 'to pero nagkamali ako. Tao lang ako, normal, pwedeng magmahal. At ngayon naamin ko na rin sa sarili ko, hindi naman required na ipagtapat ko agad sa kanya ang nararamdaman ko, 'di ba? Nanatili pa rin kasi ang stand ko na 'No lovelife' habang nag-aaral pa ako.

Kaya sa ngayon, kuntento na ako kung ano mang meron kami ni Deane. Basta lang nakakasama ko siya, makakangiti ako. At kung sakaling kiligin man, hindi ko na lang ipapahalata.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Where stories live. Discover now