27: Breaking News

202K 3.9K 362
                                    


Literal na breaking news talaga. Nag-break na raw sina Deane at Amanda. Kahapon lang nag-kiss sila. Ano kayang nangyari? Tahimik sila pareho kanina sa classroom. Hindi makausap ng kahit na sino si Deane samantalang halata naman na namumugto pa rin ang mga mata ni Amanda dahil sa pag-iyak.

"Buti na lang, break na sila." Bigla naman akong binulungan ni Mel. "May mas deserving na babae para kay Deane. 'Di ba, Stacey?"

Hindi naman ako nakasagot. Ano bang alam ko sa ganyan? Ang madalas ko lang naman problemahin ay kung makakabili ako ng potato chips mamaya sa cafeteria. Ang tagal mag-recess eh.


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Where stories live. Discover now