97: Poker Face

139K 2.7K 224
                                    


Friday. Last day na ng exams ngayon. Ayos naman ang lahat, pwera sa amin ni Deane. Nagtatampo pa rin kaya siya? Eh pero okay na kami noong Tuesday pa! Pero bakit pakiramdam ko, may invisible wall na nakaharang sa pagitan namin?

Naiintindihan ko naman na maaring focus lang siya sa pagre-review (katulad ko), pero ano ba naman ang kibuin niya ako kahit isang beses lang. Kahit tingin sa akin, hindi niya ginagawa. Hindi naman siya ganun kina Kasper, Ara, Mina at Rose. Parang ako lang talaga ang hindi niya kinakausap.

Noong huling test na namin para sa araw na ito, minadali ko talaga ang pagsagot (pero hindi 'yun bara-bara). Ako ang pinaka-unang nakatapos kaya pinayagan na ako ng adviser namin na maunang umalis. Nagpaalam na rin ako kina Kasper at nag-good luck sa kanila.

Pero hindi pa talaga ako umuwi agad. Naghintay ako sa tapat ng classroom ng first section para abangan si Deane.

Ilang sandali pa, bumukas na nga ang pinto ng room nila. Napangiti ako dahil si Deane na nga ang unang lumabas—pero kasunod niya rin si Amanda. Nakakapit pa ito sa may braso niya. May pinag-uusapan sila pero naputol 'yun nang makita na nila ako.

DEANE: Yecats! Anong ginagawa mo rito?

AMANDA: Hindi naman ako na-inform na may sumusundo na pala sa 'yo, Deane.

AKO: (No comment)

DEANE: Tapos ka na bang mag-exam?

AKO: (Isang tango)

AMANDA: Balak namin tumambay muna sa cafeteria bago mag-uwian. Gusto mong sumama?

AKO: (Poker face) Hindi. Mauuna na ako. Bye.

At nauna na akong umalis.

Pero naiinis din ako.

Ano kaya 'yun? Nakalimutan yata ni Deane ang usapan namin ngayon.

Bahala nga siya. Magsama silang tumambay ni Amanda!

TO BE CONTINUED...



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Where stories live. Discover now