138: INTENSE 'TO! PROMISE!

128K 2K 120
                                    


Title pa lang, all caps na dahil totoong INTENSE ang entry ko na 'to!

Pagkatapos ng matinding putukan upang salubungin ang bagong taon kanina, balik-kwarto na ulit ako. Hindi rin naman ako dinalaw agad ng antok kaya naisip kong mag-backread na lang ng mga 2015 entries ko at nagsimula 'yun from #36.

Nag-enjoy ako sa pagbabasa at pag-aalala sa mga happy moments ko... pero nawindang ako pagdating ko sa entry #95. Isang malaking WHAT THE HECK! WHAT'S THE MEANING OF THIS! WHAT IN THE WORLD!

'Alam Mo Ba...'

HINDI! HINDI KO ALAM DAHIL HINDI AKO ANG NAGSULAT 'NUN!

Si Liam! Siya ang nakakuha nitong journal ko noong mawala ko ito! Siya ang salarin! Yari siya sa akin! Talaga naman! Akala niya siguro hindi ko mapapansin 'tong tula o kanta o ano man ito! Basta! Humanda siya! Huhuhu!

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Where stories live. Discover now