86: Barkada Ko

162K 3.3K 243
                                    


Masamang-masama na 'to. Naiisip ko pa rin ang mga nangyari kahapon kaya nga hanggang ngayon, ang lakas pa rin ng dugdug ng puso ko. Kahit sa klase namin hindi ako makapag-concentrate.

Sa kabutihang palad, biglang nagkaroon ng teacher's meeting so na-tengga ang buong klase. Nagpasya naman akong mag-CR kung saan mas tahimik at baka sakali na doon ay maikalma ko ang sarili ko. Naghilamos agad ako. Nakatulong ang malamig na tubig para mabawasan ang init na namamahay sa pisngi ko.

Ngunit imbes na makapag-relax na ako, biglang dumating si Amanda. Mag-isa lang din siya. Sandali kaming nagkaroon ng eye-contact pero dumirecho siya agad sa isa sa mga cubicle. Hindi naman ako umalis sa kinatatayuan ko. Naisip ko na chance na ito para magka-usap na kami. Tapusin na namin 'to.

Ilang sandali pa, lumabas na siya. Nagulat nga siya na maabutan pa rin ako rito. Pero wala pa nga akong sinasabi, nagmaldita na siya agad.

AMANDA: What?

AKO: Sinabi sa akin ni Deane ang ginawa mo.

AMANDA: Si Deane? (Kunwari pang walang alam) Bakit? Anong ginawa ko?

AKO: Ikaw ang nagpakalat ng picture at maling chismis tungkol sa amin ni Kasper.

AMANDA: And so?

AKO: Bakit mo ginawa 'yun?

AMANDA: Gusto ko lang. Pake mo?

AKO: Ano bang ginawa ko sa 'yo para siraan mo ako ng ganito?

Bigla siyang napangisi. Wala man lang bahid ng pagsisisi o kunsensya sa mukha niya.

AMANDA: Well, una sa lahat inagaw mo ang atensyon ni Deane. Other than that, siguro sa itsura mo na lang ako nabu-bwiset.

Saka siya dahan-dahang lumapit sa akin. Tinitigan niya ako na animo'y kakain ng tao.

AMANDA: Nabubwiset ako sa kaartehan mo. Kunwaring tahimik at bait-baitan. Kung sila napapaniwala mo na dyan sa pagpapaawa mo, ako hindi mo ako maloloko.

Kinuyom ko ang mga palad ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sinagot.

AKO: Kung may isa mang nagkukunwari sa atin, ikaw 'yun at hindi ako. Sino ba ang nagbabait-baitan sa harap ng buong school pero nagpapakalat naman pala ng maling chismis? 'Di ba, ikaw 'yun? Sino ba ang nagkunwaring inagawan noon para kampihan ka at pagtulungan ako ng buong klase? 'Di ba, ikaw rin 'yun? At sino ang nagkunwaring makipag-relasyon kay Deane para manalo sa eleksyon noong nakaraang taon? Ikaw 'yun, Amanda. Ikaw.

Bigla na lang niya akong tinulak. Sunud-sunod at malakas na pagtulak hanggang sa tumama na ang likod ko sa pader.

AMANDA: Ang kapal ng mukha mo! Matapang ka na ah? Lalaban ka na?

At balak niya sanang hablutin o sabunutan ang buhok ko pero may hindi niya natuloy dahil may pumigil na kamay sa kanya.

ARA: Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Ms. President?

ROSE: 'Di ba may batas na against bullying?

MINA: Huling-huli na sa akto. At ito ang ebidensya! (Ipinakita ang hawak na phone)

Hindi nakapag-react si Amanda. Nahilaw talaga ang mukha niya sa pagdating nina Ara, Mina at Rose.

ARA: Hindi na ngayon mag-isa si Stacey. Kaya sa susunod na kantihin mo pa siya o kahit sino pa sa mga kabarkada mo, kami rin ang makakalaban niyo.

Napaatras si Amanda. Wala na nga siyang ibang sinabi. At kahit namumula na siya sa galit, tahimik na siyang umalis. Nang maiwan naman kami nina Ara, Mina at Rose...

ARA: Sabi ko na nga ba! May nangyayaring something!

ROSE: Noong mapansin naming ang tagal mong hindi nagbalik, pinuntahan ka namin agad.

MINA: Okay ka lang ba, Stacey? Ipapakalat ko na ba 'yung video para makaganti sa bruhang 'yun?

AKO: 'Wag na.

MINA: Pero—

AKO: Sa ginawa niyo pa lang, bawing-bawi na. (At biglang naiyak)

ARA: Oh! Bakit umiiyak ka?

ROSE: Stacey naman! Baka sabihin nila, kami nagpaiyak sa 'yo!

AKO: Tears of joy 'to. Salamat sa inyo.

ARA: Ano ka ba naman! (At biglang kumanta) That's what friends are for!

Isang kaibigan lang na katulad din sana ni Mel ang hinihiling ko noon. 'Yung pasasayahin ako at magiging kakampi ko ano man ang mangyari. Ngayon, hindi lang isa kundi marami pa ang binigay sa akin ni Lord. Parte na rin ako ng isang barkadahan at masaya ako na totoo sila. Maswerte ako na nakilala ko sila.




Lovelife? Ano 'Yun? ✔Where stories live. Discover now