130: Stupid

123K 2.2K 224
                                    


Three days na lang, Christmas party na. Dapat talaga hindi na ako pumasok eh. Wala naman nang masyadong lecture dahil mas excited pa ang teachers namin na magbakasyon.

Hindi na rin naman na ako makapaghintay. Wala akong pake sa party dahil bakasyon ang talagang inaabangan ko. I need a break. A very long break! Kahit na alam ko na magiging boring din naman sa bahay, mas okay na 'yun kaysa sa mga nangyayari sa akin ngayon dito sa school.

Para bang hindi kasi ako makakilos ng maayos dito. Bawat lingon ko kapag nakikita ko ang pag-aasikaso ni Deane kay Amanda, para bang gusto kong lumapit at sigawan siya na, 'Hoy! Pwedeng ako naman ang pansinin mo!'

Magpapakatotoo ako, namimiss ko ang atensyon niya. Namimiss ko 'yung ako lang ang kinukulit niya. Namimiss ko 'yung pagtawag niya sa akin ng Yecats na mauuwi sa pag-uusap namin ng kung anu-ano na lang. Namimiss ko si Deane at wala akong magawa. Hindi ko naman siya pwedeng agawin dahil mas kailangan siya ngayon ni Amanda.

And that deal. THAT STUPID DEAL!

Ako naman ang nagpaubaya sa kanya kay Amanda kaya sino ako para umangal. Ang tanging magagawa ko na lang ay panoorin sila sa malayo at magtiis. Kunwari hindi ako affected but deep inside parang alam ko na 'yung na ma-broken-hearted. Kunwari nakakangiti pa ako pero ang totoo, naipon na ang luha sa mga mata ko.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Where stories live. Discover now