61: Band-aid

174K 3.5K 274
                                    


CONTINUATION...

Ayon sa mga narinig kong usap-usapan ng mga classmates ko, kaya nag-away sina Kasper at Eliseo ay dahil isinumbong daw ni Kasper sa adviser namin na gumamit ng kodigo si Eliseo noong exams. Dahil dito kaya pwedeng ma-suspend or worst ay ma-expel si Eliseo at hindi na maka-graduate.

Wala akong nakikitang mali sa ginawa ni Kasper. Naging matapat lang siya. Pero hindi ganun ang tingin sa kanya ng ilan sa mga kaklase ko lalo na ng mga kabarkada niya. Ang walang kwentang kaibigan daw ni Kasper dahil ipinagkanulo niya si Eliseo. Nang-iiwan daw sa ere at backstabber ito.

Sila ang pagsasaksakin ko sa likod eh! Anong klase silang kaibigan para kampihan pa si Eliseo na mali naman talaga ang ginawa!

May last class pa sana kami pero maaga nang pinauwi sina Kasper at Eliseo kaya walang nakapagtanong kung anong nangyari noong pinatawag na sila ng Principal. Ako naman, bukod sa kanila, inaalala ko si Deane.

Hinintay kong mag-uwian at inabangan ko talaga siya. Nang magkita na kami, nakuha pa niya akong ngitian kahit may malaking sugat malapit sa kanyang labi.

AKO: Anong nangyari?

DEANE: Ayun... one week suspension lang ang ibinigay nila kay Eliseo pero ipapa-retake sa kanya ng lahat ng exams. Si Kasper naman, 3 days suspension dahil nakipag-away siya.

AKO: Ikaw?

DEANE: Ako? Anong ako? Syempre hindi ako suspended, umawat lang ako eh!

AKO: 'Yung sugat mo?

DEANE: Naghilamos na ako kanina...

AKO: Hindi ka nagpunta sa infirmary?

DEANE: Baka ma-late na rin kasi ako sa last class—

Hindi ko na siya pinatapos magsalita at inilabas ko na agad 'yung band-aid na hiningi ko kanina sa school doctor. Sariwa pa 'yung sugat niya sa labi at kapag pinabayaan baka ma-impeksyon.

AKO: Ilagay mo.

DEANE: 'Wag na...

AKO: Ilagay mo!

DEANE: Hindi naman na dumudug—ack... ayan dumugo na ulit...

Dumugo nga ulit ang sugat niya dahil sa pagsasalita niya. At para wala na lang away at matapos na 'to, ako na mismo ang naglagay ng band-aid sa sugat niya. Nagulat siya sa ginawa ko at natulala na lang na napahawak doon sa parteng nilagyan ko ng band-aid.

DEANE: Nagbago ka na talaga, Yecats.

AKO: Huh? Naalog ba utak mo noong sinapak ka kanina?

DEANE: (Natawa siya pero sumakit ulit ang sugat niya kaya pinigilan niyang tumawa) Hindi naman 'yun. Kasi ang daldal mo na talaga.

Kumpirmado! Naalog nga ang utak niya!

DEANE: At tsaka nga pala, Yecats... (Biglang siya lumapit para titigan ang mukha ko) Ngayon ko lang napansin. Ang cute pala ng nunal mo sa pisngi.

Nakng! Ang daming nangyari ngayong araw, 'yun pa talaga ang napansin niya!


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Where stories live. Discover now