99: Sembreak

142K 2.6K 99
                                    


Last week noong Friday ang Halloween Party namin. Katulad lang naman siya ng mga nagdaang Halloween Parties kaya hindi ko na isinulat. Last Saturday naman, kuhaan ng class cards. Na-maintain ko naman ang grades na gusto ko.

And then sembreak. Monday and Tuesday, nag-entrance exam na ako sa mga universities kung saan maganda ang offer nila sa course na gusto ko. Hindi lang halata sa itsura ko pero balak kong mag-Fine Arts. Gusto kong maging fashion designer kagaya ng Mama ko.

Anyway, tambay day naman ako today. Walang magawa dito sa bahay. Medyo odd nga dahil dati-rati naman, okay lang na mapag-isa ako. Pero ngayon, nabibingi ako sa sobrang katahimikan at sobrang boring talaga.

Wala pang online sa mga kaibigan ko. Chini-check ko ang account nina Kasper, Ara, Mina at Rose at kataka-takang inactive sila! Wala man lang silang kahit isang status tungkol sa sembreak! Ganun din si Deane. Kahit sa mga personal message ko, hindi siya nagre-reply.

Sinubukan ko na nga rin siyang tawagan pero ang sagot lang, 'The subscriber cannot be reached. Please try your call later.' Busy siguro.

Nagpapa-miss ba sila? Kasi kung oo, effective. Miss na miss ko na sila. Pinagdarasal ko na lang na sana matapos na itong sembreak.




Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon