147: Love

127K 2.2K 200
                                    


Wala akong mapagsabihan tungkol sa problema ko. Hindi ko masabihan ang mga kaibigan ko dahil alam ko namang hindi pa kami in good terms. Hindi rin naman ako makapag-open sa parents ko dahil awkward 'yun. Si Mama, masyadong fan ni Deane at si Papa naman, paniguradong maglilitanya.

Para makapaglabas kahit papaano ng saloobin, isa na lang ang naisip kong puntahan. Si Mel. Dinalaw ko siya sa kanyang puntod.

Nagsumbong ako sa kanya na parang bata. Humingi nga rin ako ng tulong sa kanya. Hindi man literal, humiling ako na sana kahit kaunting sign man lang ang makuha ko para malaman ko na kung anong dapat kong gawin.

Tulad rin naman ng inaasahan ako, hindi ako binigo ni Mel. Pag-uwi ko noong hapon, agad kong nakuha ang sign.

Bago ko isulat ang entry na ito, 'di sinasadyang nahulog ko sa sahig itong journal ko. Saktong bumuklat ito sa entry #35, ang entry kung saan isinulat ko 'yung huling gabi na nakasama ko si Mel. Mula sa entry na 'yun, muli kong nabasa ang advice niya sa akin.

May tinutukoy siyang certain 'LOVE' na noong time na 'yun ay hindi ko pa masyadong gets. Ngunit ngayon, parang alam ko na. Ito siguro ang feelings na meron ako para kay Deane ngayon. First love.

Pero 'yun nga lang ba talaga? Excited si Mel na maranasan ko ang love na ito pero grabe naman ang sakit na dinanas ko. Alam ko na hindi lang ganito ang gusto niya para sa akin. Alam ko na ayaw niyang masaktan ako.

Kaya nag-isip pa ako.

Self-love.

Oo, naging selfish ako nang piliin kong makipag-deal kay Amanda para hindi na kami mag-away. Pero wala rin naman pinatunguhan 'yun dahil sa huli, ako pa rin ang nasaktan. At hindi naman 'yun mangyayari kung hindi ko rin hinayaan.

Hindi ko alam kung paano tunay na mahalin ang sarili ko kaya ang nangyari, imbes na love ay naging pain. Sobra-sobrang pain!

Matapos kong makapagnilay-nilay, pakiramdam ko'y nabawasan na ang kalahati sa bigat na dinadala ko. At ngayong alam ko na kung saan ako nagkamali, may ideya na rin ako kung paano itatama ito. Kailangang ako naman ang gumawa ng paraan para ipaglaban 'to. Para sa love at para sa sarili ko.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Where stories live. Discover now