Chapter 3: Agony of Heart

69 13 226
                                    

Chapter 3: Agony of Heart.

Liezel Jami's Point Of View.

Gusto ko na lang biglang magsisi dahil ngayong nakikita ko siyang nasasaktan ay nasasaktan rin ako.

"Hindi lang ba halik ang binibigay mo sa kaniya? Pati ba yung katawan at pangangailangan niya?" Napaiwas tingin ako noong tumulo ang luha sa mata niya.

"No, Yamato. Please liste—"

"Anong no?! Kitang kita ko na oh! Tangina naman!" Napaiwas tingin ako lalo, bigla ay binalot ako ng konsensya dahil sa pambibigla ko sa kaniya.

"Kailan pa? Kailan niyo pa ako ginagagong dalawa?" Hinahawakan siya ni Athena pero pilit niyang iniiwasan ang mga 'yon.

"Huwag mo 'kong hawakan!" His tears fell as he yelled, "Huwag mo 'kong hahawakan, A-Athena. Kingina, ang baboy niyo!" Umiyak yung babae kaya napairap ako.

"Iniiyak iyak mo?" Inis na sabi ko.

"Isang taon na kayo 'di ba?" Kwestyon ko.

"Ano bang alam mo ha?" Sumbat niya sa akin, galit.

"Nalalaman ko lahat, kahit hindi ko tinatanong." Pagsasabi ko ng totoo.

"Ikaw ang may kasalanan nito eh! Kasalanan mo! Ano pinaghihiwalay mo kami kasi may gusto ka sa kaniya?!" Natigilan ako sa sinabi niya.

"H-Huh! Huwag mo nga akong idamay sa kahibangan mo, ikaw 'tong two timer! Kung ako man ang lalake kahit halikan ka sa labi masusuka ako!" Inis na sabi ko at tsaka ko sinamaan ng tingin yung lalake.

"What do you take from doing this huh? You filthy woman." Galit na sabi ko.

"That's enough!" Malakas na sabi ni Kuya Yamato.

"Kailan mo pa ako ginagago?" Seryosong tanong ni Kuya Yamato.

"L-Love.." Kinakabahan na tawag sa kaniy ni Athena.

"Sagutin mo yung tanong ko," kahit kahit siya ay nanaig ang sakit sa tinig niya.

"W-Wala ka bang balak aminin na niloloko mo 'ko? H-Hindi ka ba nakaramdam ng konsensya Athena?" Tumahimik na ako dahil nagsalita na si Kuya Yamato.

"Sabi mo wala lang 'yon, nabigla ka, hinalikan ka niya bigla, Athena kahit masama yung loob ko tinanggap at pinaniwalaan kita." Bumuntong hininga ako, tanging si Kuya Yamato lang ang nagsasalita ngayon.

"I already had this feeling, hindi pa sinasabi sa akin, pakiramdam ko may mali. Parati ko na lang nararamdaman na may mali," hirap na hirap niyang paliwanag.

"Minahal naman kita ah? Hindi ba ako sapat para makuntento ka? Gaano ba ako kakulang?!" Napapikit ako sa huling sinabi niya, hindi man ako ang nasasaktan at naloko ngunit dahil gusto ko siya ay nasasaktan na rin ako.

"Piloto ba gusto mo? Sana sinabi mo, Athena kaya kong palitan lahat ng ayaw mo huwag mo lang akong palitan, pero ang gago mo rin 'no?" Tumulo ang luha ko dahil nag-break down siya sa harapan nila.

"I'm so sorry Yamato, p-please—"

"Ah tangina, ang sakit pala. Ayokong paniwalaan eh," gitil niya.

Nasulyapan niya ako at ganoon ako napalunok ng hilain niya ako papaalis doon, "Yamato!"

"Please let's talk!" Natigilan ako dahil dinala niya ako sa sasakyan niya, kinakabahan naman akong naupo at pinaghawak ang kamay ko sa ibabaw ng kandungan ko.

"You'll come with me," naitikom ko ang bibig sa sinabi niya. Mabilis siyang nag-drive, lumunok ako dahil wala akong masabi ngayon.

Nang malaman kung nasaan kami ay napalunok ako, "Wala pa akong 18 kuya.." Kinakabahan na sabi ko sa kaniya.

Our Solicitous Heart (3G Series #2)Where stories live. Discover now