Chapter 57: What's Our Fate?

66 8 51
                                    

Chapter 57: What's Our Fate?




Liezel Jami's Point Of View.





Sunod ay ang 3rd runner up, "With the score of 157 points, player 13th! With 2,500 dollars and a bronze medal."

Next is the second runner up, "With the score of 158 points, player 21th with 5,000 dollars and a medium size silver medal!"

"First runner up, with a score of 174 points, player 25th with 10,000 dollars and a large silver medal and a certificate!" Tila masama pa ang loob no'n kaya huminga ako ng malalim.

Nang okay na ay lumapit ako sa mga kasama after picture taking, mag-picure rin kami magkakasama. "Tara kain, my treat!" Excited na sabi ko.

"Celebrate muna kayo ma'am! Bawi na lang tayo sa outing!" Masayang sabi nila kaya ngumiti ako.

"Okay, sige!"

"I'll update you, saan niyo ba gusto?" Tanong ko sa kanila.

"Resort engineer!" Suhestyon nila.

"Osige, sabihan niyo silang apat tapos sila na bahala magsabi sa akin." Nakangiting sabi ko.

"Chat niyo 'ko sa gc." Paalala ni Senti.

"Tara, kami muna kakain ha!" Paalam ni Mandy at hinila kami.

Pagkarating sa restaurant ay dama ko ang pagod, naupo ako at sumandal, "Napagod ako kabahan." Pagsasabi ko pa.

"Ako rin, yung tibok ng puso ko nagwawala." Tawa nila.

I made them choose what to order, inaantok rin kasi talaga ako sa hindi ko alam na dahilan, "Jami." Napalingon ako kay Serina.

"Bakit?"

"Okay ka lang? Walang masakit sa'yo? Ang tamlay mo yata?" Mahina akong natawa at umiling.

"Inaantok ako," mahinang sabi ko.

"Sabagay, nakakapagod nga naman 'yon. Bakit hindi nanood sila tita?" Tanong niya pa, sumandal ako at huminga ng malalim.

"Busy rin naman sila, ayoko namang isantabi nila ang mga pasyente nila mapanood lang ako." I explained, naiintindihan ang parte nila mommy.

"Kaya huwag kayo mag-aasawa ng doctor, kasi kailangan nating irespeto ang bawat oras nila dahil mahalaga 'yon. Unless doctor ka rin," nakangiting sabi ko.

"Sila mommy kasi noon magkasama na sila ni daddy, hindi naman live-in pero sa iisang bahay sila nakatira eh." Kwento ko pa.

"Si daddy cardiologist, si mommy general surgeon." Itinaas taas ko pa ang kilay.

"Tapos kami ni kuya, architect and engineer." Napangiti si Serina.

"Pogi talaga ng kuya mo be, hanggang ngayon crush ko pa rin." Napangisi ako sa sinabi niya.

"Hiyang hiya naman akong fiancé rito, 'di ba ako belong?" Reklamo ni Senti, natawa naman silang lahat.

"Hindi ka ba nagkagusto kay Kuya Yuno?" Tanong ni Mandy sa akin, nakanguso akong umiling.

"Hindi eh, parang kuya lang kasi talaga ang tingin ko sa kaniya dahil malaki na siya noon bata-bata pa ako." Kwento ko pa.

"Plus ayoko sa chix magnet, ayoko rin sa magaling maki-flirt." Nanlaki ang mata nila sa kwento ko.

"Grabe ka naman kay Engineer Marshall." Natatawang sabi ni Cane.

"Alam naman ni Kuya Yuno 'yon," mahinang sagot ko.

"Ilang beses ko rin naman siyang sinabihan na wala talaga, kaya okay na kami ngayon." Tumango pa ako at uminom ng juice na nasa table.

"Chic magnet rin naman si boss master ah? Magaling nga 'yan mag-flirt wala pang ginagawa nagkakandarapa na mga babae." Pinigilan ko ngumiti sa sinabi ni Senti.

Our Solicitous Heart (3G Series #2)Where stories live. Discover now