Chapter 69: His Damn Tricks

97 7 87
                                    

Chapter 69: His Damn Tricks


Liezel Jami's Point Of View.



Tumaas ang kilay ko at itinago na ang cellphone ko, we continued eating and drinking. "Engr. Garcia."

"Truth pa rin." Nakangiting sabi ko.

"Ilang taon mo po ikaw gusto maikasal?" Natigilan ako sa tanong nila.

"Ah." Tumikhim ako at nag-isip, "Actually I'm ready to get married na, ever since I was 24 years old. Stable ang work ko and kaya ko na buhayin ang sarili ko at ang pamilya ko sa ipon ko ngayon, for 30 years." Nanlaki ang mata nila.

"Ganoon po ba talaga kalaki ang sahod ng professional engineer?" Kwestyon nila.

"Hindi naman, pero yung first million ko kasi ay ginamit ko para bilhin ang isang materials company, mga hollow blocks, steels and other equipments." I explained.

"Ah, kaya po pala. Ang astig niyo naman po." Nakangiting sabi nila.

"Hindi ko alam 'yon ah?" Bulong ni Yamato, nalingon ko siya tsaka nginiwian.

"Paano ko malalaman? Ngayon ko lang naman sinabi." Sagot ko.

"Ah sino pa nakakaalam?" Kwestyon niya at sumandal lalo sa sofa ngunit bahagyang humarap ang katawan sa akin.

"Parents ko, family." Sagot ko.

"Alam ni Ate Miran?" Tumango ako bilang sagot.

"Family rin siya eh, ikaw hindi naman." Hindi makapaniwala niya akong tinitigan tsaka siya ngumiwi at uminom na lang.

After our drinking session, ramdam ko na ang antok. "Kanta ko na, akin na—"

"Uy Engr. Lapiz, si Engr. Garcia 'to 'di ba?" Napamulat ako agad at hinanap ang tinutukoy nila and my eyes widened when Yamato's phone was in the table and we're the lock screen wallpaper.

Nakagat ko ang ibabang labi ng makita ang picture naming tatlo, naka-akbay pa si Yamato sa akin doon. Nang last dinner lang namin 'to ah?

Nakagat ni Yamato ang labi, hindi alam ang explanation na ibibigay. "K-Kayo po pala?"

"Wait, baka si Engr. Garcia yung ex?!"

"Oh my god."

"Yieeeeee!"

"Kayo po ha." Nasapo ko na ang noo.

"Anak niyo po?" Dahil doon ay uminom na lang ako ng alak.

"A-Ano sasabihin ko?" Bulong ni Yamato kaya siniko ko siya.

"Yung dapat, ano pa bang dapat sabihin?" Ngiwing sabi ko, nalaman na nila may maitatanggi pa ba kaming dalawa?

"Yes, she's that ex and that's our son, Amato." Nabilib ang lahat, nakakabilib ba 'yon?

Hinayaan ko sila mag-kwentuhan habang umiinom lang ako at nanonood ng nagp-play na video sa videoke.

After 30 minutes mukhang tapos na sila mag-usap, "Baka lasing ka na?" Mahinang tanong ni Yamato kaya umiling ako, inaantok lang ako.

Napatigil ako when Yamato suddenly held my hand and made our hands hold hands and placed it above his lap.

Umiwas tingin ako at nakinig sa pag-kanta nila, ang iba ay maayos at mala-anghel ang boses ngunit ang iba ay mala-lata hehehe.

Hindi niya binitiwan 'yon and to be honest, ang hirap abutin ng inumin ko dahil sa ginawa niya but I can't take it off.

I can, but I don't want to. I miss being held by him, I long for his touch.

Our Solicitous Heart (3G Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon