Chapter 23: Arguments Leads Misunderstandings

60 10 138
                                    

Chapter 23: Arguments Leads Misunderstandings

Liezel Jami's Point Of View.

Nakagat ko ang ibabang labi ko ng kumatok ako sa room niya, ngunit dumaan yung bell boy at binati ako. "Ma'am, umalis na po kanina pa yung nandiyan." Nangunot ang noo ko.

"Huh?"

"Umuwi na po yata ma'am, dala-dala niya po yung mga gamit niya. Nagbigay pa nga po ng tip eh," napalunok ako at tumango.

"Thank you sa update," matipid na sabi ko at sinubukan siyang tawagan pero unreachable na.

Gosh, what did I do?

Nakagat ko ang ibabang labi at nag-iwan ng text message sa kaniya, online. Dahil pwedeng may wifi ang plane na gamit niya.

@jams.liezel: Yamato, umuwi ka na ba? If not, can we talk?

Bumuntong hininga ako at hinintay siya, but then three hours and still no reply. I tried calling him again, pero unreachable pa rin yung cellphone number niya.

Sana naman ay hindi na 'to magtagal, nakokonsensya ako ng sobra, nagsisisi rin ako na sinabi ko na nakakarindi siya.

Huminga ako ng malalim, a week later hindi pa rin kami nag-uusap dalawa, bumalik na kami sa city ngunit balita ko ay hindi pa rin tumitigil si Ate Miran sa paghahanap kay Kuya Laze.

Sobrang saludo ako sa kaniya, I took an exam yet hindi pa rin nagtatama ang landas namin ni Yamato, he's ignoring me, and I deserve it for hurting his feelings.

Sinabi ko pa na wala siya nang kailangan ko siya, gayung handouts ko ang hindi nagpapatulog sa kaniya ng tama at kaya siya wala dahil inuna niya ang mga 'yon.

Bagay na hindi niya dapat ginawa, natulala ako sa test papers ko tsaka ako bumuntong hininga. Pagkatapos ko masagutan 'yon ay ipinasa ko na.

"Serina, nakita mo na ba si Yamato sa school?" Tanong ko, natigilan siya at tsaka ako tinitigan.

"Away kayo?" Nangunot ang noo ko.

"M-Medyo?" Ngumiwi siya, "Oo, nakikita ko siya. Madalas sa library, pero bibihira lang sa cafeteria. Minsan nasa basketball court siya kalaro mga friends niya." Napatango ako.

"Pwede mo ba ako samahan? Titignan ko lang kung makikita ko siya sa library." Huminga siya ng malalim at nagulat ako ng biglang dumating si Mandy.

"Huwag na sa library, nasa basketball court siya. Pinagp-pyestahan ng mga babae," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"T-Tara." Nagmamadali ako na naglakad, halos nangunguna ngunit pag napapansin ko na napapasobra ay medyo binabagalan ko ang lakad.

Nang mapadaan sa basketball court ay natanaw ko siya kaagad, may mga kababaihan rin na nanonood.

Kalaban yata nila ibang course, tumayo ako sa gilid. Pawis siya ngunit dahil sa sweat bands na suot niya sa ulo niya ay hindi 'yon umaabot sa mukha niya.

Nakagat ko ang ibabang labi, they're wearing their PE uniforms, kasama niya si Senti at Cane pati na ang iba nilang kaklase.

"Agaw atensyon be, seselos ka?" Turo niya sa mga babaeng ang iiksi ng palda, bukas ang ilang butones sa polo na uniform namin.

Ngumuso ako, "Kasalanan ko naman eh." Bulong ko.

"Uy nakatingin sa'yo si engineer!" Hinanap siya kaagad ng mata ko at nakita ko siyang natigilan habang nagd-dribble ng bola tsaka siya umiwas tingin ng magtama na ang mata namin.

Bahagyang humaba ang nguso ko, napatingin ako sa hawak ko na water tumbler ko. Binasa ko ang labi ko tsaka ko hinanap ang bag niya, lumapit ako doon at iniwan 'yon doon.

Our Solicitous Heart (3G Series #2)Where stories live. Discover now