Chapter 13: His Penchant

49 10 265
                                    

Chapter 13: His Penchant

Liezel Jami's Point Of View.

They settled on their home, Ate Miran is tired and Bautista won't just stop. It's giving me off vibe, nakakairita ang presensya nila.

Pinanood ko si Kuya Laze alalayan si Ate Miran sa kwarto niya, nanlumo naman ako at sinulyapan sila mommy.

"Mommy, will they be okay?" Kwestyon ko.

"Yes 'nak," sagot ni mommy at inayos ang buhok ko.

"Uuwi muna tayo sandali to prepare, pagkababa ng kuya mo." Paalala ni daddy at tsaka siya tumayo sa likuran ni mommy at hinawakan pa si mommy sa balikat.

Hinanap ng mata ko si Kuya Yamato, ngunit si Kuya Yuno ang nakita ko kaya naman ng magtama ang mata namin ay huminga ako ng malalim mukhang kahit siya ay umiyak.

"Wait lang po," paalam ko sa kanila at nilapitan siya.

Nang lumabas si Kuya Yuno sa garden ay sumunod ako, nang tumigil siya ay sinulyapan niya ako. "Condolence, kuya." Napaiwas tingin siya.

"Hmm."

He's still wearing his terno silk pajamas, magulo pa ang buhok at halata na kailangan pa niya ng tulog. "My lola is really a terrible person but I grew up with her," napatitig ako ng muli siyang maluha.

Napahid niya kaagad 'yon, napatingala sa kalangitan. "She's not as nice as you think, but she takes care of me every time my parents are busy. She was there to put the medal on my neck, because my parents are busy with business."

Bumuntong hininga ako nang maluha siya ng sobra, "Pota." Natakpan niya ang mata.

I stood beside him, tapped his back. "Pota, sorry." Hinarap niya ako at tsaka siya pilit na ngumiti.

"Okay lang, sige na, pumasok ka na doon Jami. Susunod ako," pinilit niyang ipakita na maayos siya kaya naman matipid akong ngumiti.

"You don't need to hide your pain po, it's better to express it." Napatitig siya sa akin at napaiwas tingin.

"Sorry."

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil, hindi ako magaling mag-comfort, because whenever I'm in pain, or hurting, having problems, my brother just sat beside me tapping my back and hugging me.

Nang matapos siya ay hinarap niya ako, "Thank you."

"Pasok na po tayo sa loob," anyaya ko.

Tumango naman siya at sakto naman na kabababa ni Kuya Laze, salubong ang kilay. Lumapit ako sa kanila nila mommy, "We'll go home first," sambit ni daddy.

"Sure daddy," I answered.

"Let's go then, we need to wear black." Suhestyon ni Kuya Laze.

"Ako na po magpapaalam sa kanila," pangunguna ko.

Hinanap ko sila ngunit ang nakita ko lang ay si Kuya Yamato. Lumapit ako sa kaniya at kinalabit siya dahil nakatalikod siya sa gawi ko.

Nalingon niya naman ako, "Kuya, uuwi raw po muna kami. Babalik na lang," nahihiyang paalam ko.

Napatitig siya sa mukha ko at matipid na ngumiti, "Ingat kayo."

"Thank you, Jami." Nang haplusin niya ang buhok ko ay nagulat pa ako, napatitig ako sa mukha niya.

"Okay po." Mali na makaramdam ako ng kilig sa ganitong sitwasyon, hindi dapat Jami.

Nang makauwi ay napansin ko na wala sa mood si Kuya Laze, lumapit ako kay mommy to make her help me zip the zipper on my back as I can't reach it.

Our Solicitous Heart (3G Series #2)Where stories live. Discover now