Chapter 22: Omissions

62 8 281
                                    

Chapter 22: Omissions

Liezel Jami's Point Of View.

Ever since that day tumulong si Yamato sa paghahanap habang nagrereview siya. "Ikaw na maunang bumalik, i-excuse mo na lang ako sa exam." Pakiusap ko.

"Hindi ka mag-eexam hon?" Umiling ako.

"I'll just take an special exam, kahit ma-late na siguro yung handouts ko." Napapikit ako kaagad nang yakapin niya ako.

"I understand, babalik ako after exam. I'll join you, okay?" Sinilip niya ang mukha ko kaya pinipigilan ko maluha.

"Opo. Good luck!" I tried making my voice cheerful but I'm not good at faking my emotions.

"I'll continue texting you, okay lang kung hindi ka maka-reply. Maiintindihan ko, don't be pressured, dito lang ako." Hinalikan niya ako sa noo at tsaka siya huminga ng malalim at lumayo sa akin.

"I'll do my best," paalam niya at sinuot ja sa balikat niya ang bag niya.

"I love you," nang sambitin niya ang mga katagang 'yon ay napaiwas tingin ako dahil naluluha ako kaagad.

"L-Likewise." I waved my hand a little and stared at him, he smiled a little and then naglakad na siya papaalis.

Few weeks of staying in Palawan, hinahanap ko pa rin si Kuya Laze, hindi ko rin nagawang mag-review at gumawa ng handouts ko. Siguro ay sa isang araw sobrang dami ng chats and text ni Yamato.

Ni hindi ko man lang 'yon binasa and I failed to be okay, lahat kami ay nag-aalala kay Kuya Laze, dahil ilang linggo na siyang hindi nahahanap.

Naupo ako sandali sa kama ko, katatapos ko lang naligo at ngayon ay hinawakan ko ang cellphone ko upang basahin ang messages niya.

Inuna ko sa IG, at halos mapalunok ako nang sobrang dami na no'n.

@yummito.lapiz: Hon, I arrived safely.

@yummito.lapiz: On the way na ako sa school, commute lang ako hindi ko kasi kaya mag-drive.

@yummito.lapiz: Stay safe, Jams. Start na ako first subject. Kain ka on time.

@yummito.lapiz: Jams, done na first subject ko. Sobrang hirap.

@yummito.lapiz: Hon.

@yummito.lapiz: Hon, gawa muna ako handouts. Tapos na tatlong exam ko, kumain ka na diyan anong oras na.

@yummito.lapiz: Sakit ng ulo ko hon, stay hydrated.

@yummito.lapiz: Hindi ka raw nag-aaral sabi ni Ate Miran, yung handouts mo hon paano na?

@yummito.lapiz: Ingat ka diyan.

The range of his chats are one to three hours, I hope he's doing fine.

Sunod ko na tinignan ay ang messages niya offline.

Yamato: Honey.

Yamato: Rice ka ba?

Yamato: Kasi kulang ako kung wala ka, boom. Gutom na ako. :D

Yamato: Sana jacket mo na lang ako, para pwede kita mayakap kahit maraming tao.

Yamato: Sad boy amp, tapos na exam ko hon. Balik ako diyan next three days, ay sige huwag na.

Yamato: Tapusin ko muna handouts ko. Bye bebe.

Bebe? Kung ano-ano na naman tinatawag niya sa akin, ang lakas talaga ng tama.

Our Solicitous Heart (3G Series #2)Where stories live. Discover now