Chapter 65: Arising Feelings

73 8 204
                                    

Chapter 65: Arising Feelings


Liezel Jami's Point Of View.





Inabot kami ng alas dose sa labas kakakain, busog na busog kaming dalawa. Bumalik na rin kami sa hotel dahil damang dama namin ang antok.

"Sasabog na yata tyan ko sa sobrang busog." Natawa ako sa sinabi niya.

"Thank you sa libre." Nakangiting sabi ko.

"Sure, huwag ka ng malungkot diyan." Nakangiti ko siyang tinitigan sa sinabi niya, ang swerte ko pa rin 'no?

"I'm really thankful for you, Yamato." Lumapit ako sa kaniya at ng hindi siya umatras ay pasimple kong iniyakap sa bewang niya ang mga braso ko.

"Thank you." I love you.

I heard him sighed before responding, "Always." Nang maramdaman ko ang tapik niya sa likod ko ay pumikit ako habang nakasandal ang pisngi sa dibdib niya.

Nang hayaan niya ako ay napangiti ako bago ko pasimpleng sinilip ang mukha niya, nagtama ang mata namin. "Get to bed," mahinahon niyang sabi.

"Take a rest, bukas iinit na ulo mo dahil kay Engr. Cariño." Natatawang sabi niya at tinapik ang likod ko kaya nakanguso akong bumitaw.

"Oo nga pala," bulong ko.

"Lahat na lang ba ng kaagaw ko sa'yo masasama ugali?" Bulong na tanong ko, nanlaki ang mata niya.

"Masama? Sino-sino ba?" Natatawang sabi niya.

"Lahat, bukod kay Ate Sierah." Natawa siya ng maalala 'yon.

"I recall that, maybe if she didn't find out about us she'll continue." Ngumuso ako.

"Yeah."

"Goodnight, bukas mo na ilipat si Amato baka mahimbing na tulog niya." Paalam ko.

"Goodnight."

"Kiss?" Asar ko pa.

"Osige." Sa sagot niya ay nanlaki ang mata ko ng yukuin niya ako ngunit mabilis siyang natawa.

"Joke lang." Napahinga ako ng malalim sa kagustuhan na murahin siya.

"Paasa mo 'no?" Gigil na sabi ko.

"Hmm, a little." Gwapong sabi niya bago ako tuluyang tinalikuran ng may ngisi sa labi at pumasok sa door extension papunta sa kwarto niya.

Nakagat ko ang ibabang labi sa inis.

How could he do this to me?


Wala ako sa mood na pumasok sa office ni Yamato ng kanina pa kinakausap ni Engr. Cariño si Yamato, napanguso ako at naupo.

"You," I stated.

"'Di ba you came here to be my second or I should say assistant engineer?" Kwestyon ko.

"Me?" Turo ni Engr. Cariño sa sarili niya.

"Obviously, so if you came here for work can you check the whole site for me?" Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"The whole site?"

"Kailangan mo kabisaduhin ang buong site, hindi ka pumunta rito to chit-chat so go ahead and make sure to comeback with a report." Utos ko.

"I may be your second assistant but you can't make me—"

"What does Senti do? He's around the site and you're here chilling? Magsabi ka lang, pwede ako magreklamo sa kumpanya." Umirap siya at inis na lumabas ng opisina.

"Serves you right," pairap kong sabi.

Natawa si Yamato, "Push na push ka ha."

"Syempre." Tugon ko.

Our Solicitous Heart (3G Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant